Chapter 17: Cupcakes and Broken Hearts

2.5K 46 16
                                    

Guys! Join naman kayo dun sa Birthday Fan Video ko para kay DJ!! Just follow the instructions in the pic at the side :""> Please guys! <33

----------------------------------------------------------------

(Julia's POV)

"Julia!" 

Lumingon ako at nakita si Ms. Ortega na naglalakad papalapit sa akin. May hawak siyang stacks ng mga libro kaya linapitan ko agad siya para tulungan. "Po?" sagot ko habang kinukuha yung ibang mga libro para gumaan ang kanyang dala. Nginitian niya ako, "Thank you, Julia. Pwede ba tulungan mo muna ako sa library?" 

Napatingin ako sa kanya at ngumiti nang malungkot, "Naku Miss... May detention kasi po ako eh." Nanlaki ang mga mata niya at inexpect ko talaga na sesermonan niya ako tungkol sa pagiging honor student ko pero nagulat ako nang tumawa lang siya. "Talaga? Wow naman. I'm proud of you." Napakunot-noo ako, litong-lito sa sinabi niya, "Ano po?" 

"Masaya ako na for once hindi ka sumunod sa batas. Pero since first time mo lang, i-eexcuse kita kay Mrs. Reyes. At saka kailangan ko talaga ang tulong mo." natatawang sinabi ni Ms. Ortega. Gumaan yung feeling ko nang marinig ko yung mga sinabi niya. "Thank you talaga, Miss!" sabi ko habang nakangiti nang malaki. 

Tumango lang si Ma'am sa akin at sinundan ko na siya papunta sa library. "Pasensya ka na ha? Busy lang talaga ako these days. I-aarrange mo lang naman ang mga books na 'to sa mga shelves by category. On leave kasi yung librarian natin kaya ako ang napag-utusang mag-manage dito habang wala siya since assistant librarian ako. Ewan ko ba! Alam naman ng office na busy rin ako sa ibang school affairs pero parang wala lang sa kanila." naiinis na sinabi ni Miss habang itinulak ang isang mini shopping cart na puno ng mga libro papalapit sa akin. "Really, Julia. I appreciate your help."

Nginitian ko siya, "Wala po yun, Ma'am." Pinisil ni Ms. Ortega ang balikat ko at nagpasalamat ulit bago tuluyan nang umalis. Napabuntong-hininga ako at kumuha ng isang libro mula sa cart. Binasa ko ang title nito at naglakad papunta sa shelf S for Science. Ilinagay ko yung libro dito tapos lumipat na ako sa sunod na libro. 

Naglakad ako papunta dun sa shelf na kinabibilangan nung libro pero napatigil ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Mr. Hernandez, ang coach ng basketball team. Pumunta ako sa may bintana dahil nasa harap lang nito ang isang open court na laging ginagamit ng mga basketball players at tiningnan ko kung anong nangyayari. "Come on, guys! Takbo pa! Bukas na ang big game nyo! Go! Go! Go!" sigaw ni coach sa mga player na tumatakbo back and forth sa court. "Yes coach!" sagot naman ng mga players na pasigaw rin.

Nakita ko agad si DJ at kahit ayaw ko, pinagmasdan ko siya. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko eh, parang naka-glue sa kanya yung mga mata ko -.-" Pawisang-pawisan at halatang pagod na pagod na siya sa kapapraktis pero may far-away look sa kanyang mga mata na parang nasa ibang bagay ang isip niya. "Padilla! Keep your head in the game!" sigaw sa kanya ni Coach Hernandez. "Yes coach!" nagbago ang facial expression ni DJ at nagmukhang concentrated na siya sa ginagawa niya.

Nagawa ko ring alisin ang tingin ko sa kanya matapos ng ilang sandali. Bumalik ako sa ginagawa ko at pinilit ang sarili kong wag nang tumingin ulit sa kanya. 

May mga 50 books din dun sa cart kaya nagtagal ako sa library ng isang oras. Kinuha ko yung last book at hinanap ang shelf I for Indian Literature. Naglakad ako down the aisle at tumigil sa may shelf I. Napansin kong ang shelf  na ito pala ay nasa pinakataas at kahit sa tangkad kong ito, hindi ko pa rin ito maabot. Sa ibang mga libro kasi nasa lower shelves lagi, ngayon lang ako nakakuha ng libro na sa top shelf dapat. Ang laki pa naman nung book case :3

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon