Mahal nais kong humingi ng tawad. Patawad kasi pinili kong bitawan ka, patawad kasi pinili kong ipaubaya ka sakanya. Patawad kung hindi mo ginusto nung sinabi kong tigil na. Patawad kasi hindi ko kayang ibigay at gawin ang mga nagagawa niya. Pero sana maintindihan mo na pinili kong lumayo kasi napalapit ka sa iba. Pinili kong iwan ka kasi sobrang sakit na. Ang hirap kasing malaman na masaya ka tuwing kasama mo siya, na nakuha niya ang attention mo kahit wala siyang ginagawa. Maniwala ka man o sa hindi pinilit kong isipin na wala lang to, kaya ko pa. Matapang kaya ako. Malakas pa. Naalala mo pa ba nung sinabi mo saking hinalikan ka niya at sinabi ko ng ayaw kong pinaguusapan natin siya pero ang sabi mo, hindi ko alam kung bakit pero ang hirap para saking kalimutan siya. Sabi ko sa isip ko, tangina bakit kailangang sabihin mo pa. Siguro nga mali ako sa inisip na tayo ang bida sa kwentong to. Yung inakala kong ikaw at ako ng walang bakit at walang pero. Mahal tama nga ang sabi mo marupok ka nga kasi sa kung anong dali ng pagkahulog mo sakin ay yun ding sing dali ng pagkagusto mo sakanya. Ang swerte niya, merong ikaw na handang sumalo pagnahulog siya. Alam mo ba yung pakiramdam na nakaya mong huwag akong kausapin ng ilang araw kasi kausap mo siya? Alam mo ba yung pakiramdam na ako nga ang kausap mo pero siya padin yung bida? Siya padin ang nangunguna? Yung meron paring siya kahit wala? Masakit mang isipin pero alam kong masaya ka pag kasama mo siya, kahit wala ako mabubuo ang araw mo dahil kapiling mo siya. Mahal paalam na. Paalam na dahil pinili mong bigyan mo ako ng dahilan upang ihinto na ang laban na pareho nating sinimulan; ang laban na pareho nating binuo at pinahalagahan.