- Chapter 46 -

2K 163 80
                                    

A/N:
Pinapasabi po ni Cole sainyo, wag niyo daw siyang husgahan kasi hindi kayo ang nasa kalagayan niya. Mas nahihirapan daw siya. Lelss

Chapter 46: Consequences

Steven Cole's POV

Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si kuya na naglalasing.

Napatawa ako sa isip ko. Siya pa talaga ang may ganang maglasing? E sino bang mas nasaktan saming dalawa?

Pupunta na sana ako sa kwarto ko pero binato nalang bigla ni kuya yung bote at nabasag kaya napatigil ako at napaharap sakaniya.

Masama ang tingin niya sakin. "Ikaw.. Anong meron sayo ha! Ano?! Anong meron ka na wala ako?! Bakit ikaw pa! Bakit ikaw pa ang mahal niya?"

Tinakpan niya ng kamay niya yung mukha niya at humikbi.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil walang magandang patutunguhan ang pag-uusap nato. Lasing siya at hindi na dapat patulan pa.

"Nasakin na kasi sinayang kopa! Arrrrghhh! You're driving me crazy Kira!" Napaatras ako ng tumayo siya at lumapit sakin, then kinwelyohan niya ko. "Kapatid kita pero mang-aagaw ka! Ngayong ikaw ang mahal niya, ano masaya kana ha?!"

Tinulak ko siya palayo sakin. "Masaya? Oo mahal niyarin ako pero hindi ko makuhang masaya! You know why?! Because of you!"

Pinunasan ko ang luhang tumulo sakin. Hindi niya alam ang pinagdadaanan ko, hindi niya alam kung gaano kahirap ang mga desisyong ginagawa ko, hindi niya alam kung gaano kahirap maipit sa sitwasyong hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo.

"Kuya mahal kita.. Mahal ko rin siya. Hindi ba mas masakit sa part ko? Na nandyan na yung opportunity oh, i gagrab ko nalang. Pero mas pinili kong magpaubaya..magparaya."

Wala siyang alam. Wala kayong alam.

Hindi na sumagot pa si kuya at nilagok niya yung alak at napaupo sa sahig. Pinatong niya ang ulo niya sa dalawang tuhod niya at umiyak ng umiyak.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa kwarto ko. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto, napasandal ako dito at umupo.

Hinayaan ang sarili kong umiyak. Umiyak dahil sa katangahan ko. Umiyak kasi ang sakit sakit na. Umiyak kasi baka never ng maulit yung opportunity kanina. Umiyak kasi may chance na mapunta na siya sa iba.

~*~

Heaven Akira's POV

Maaga akong sinundo ni Jake sa bahay, papakainin niya daw kasi ako ng icecream.

So nandito kami ngayon sa icecream at kasalukuyan siyang umuorder.

Kaso lecheng yan! Si Cole ang naalala ko tuwing nandidito ako. Siya ang madalas na kasama ko, alam niya ang flavor na gusto ko at alam niya kung saan komportable ako.

Bumalik si Jake na dala dala yung ice cream namin. "Oh.."

Napatingin ako sa flavor at napasibangot.

"Why?"

"Allergic ako sa chocolate." Malungkot na sabi ko.

Kung si Cole to, alam na niya agad ang bibilhin niya. He even knows my favorite foods.

"Oh, oo nga pala. Sorry." Kinuha niya yung icecream ko at pumunta ulit sa counter.

Nagpangalumbaba ako.

Ano bang kaechosan yan Aki?! Paano ka makakamove on kung lahat ng ginagawa mo binibase mo kay Cole?!

Bumalik si Jake na dala dala yunh icecream ko na strawberry flavored na.

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon