Omo! Bts Wings Tour Concert: Episode III Trilogy! In bangkok! Gosh! How to watch live po? huhu.. Anyway. Chukhahae Oppas! Saranghae~~~
Chappy 1! Beginshi begins----------++++++
Katarina Ann's POV
After 1 year...
One year had passed pero hinding-hindi ko makakalimutan yung pinaka 'happiest moment of my life' ko. Yung concert nilang 1st time kong napanuod sa personal. Tapos nakita ko pa yung pinakamamahal ko na boys sa buong-buhay ko, ang 'BTS'.
Tinulungan pa ako na makatayo dahil nadapa ako , ng isa sa mga member ng BTS na si Park Jimin.
Kung tinatanong niyo kung ano nangyari pagkatapos niyang sabihin na 'pretty' daw ako, syempre anong maaasahan niyo sakin dahil nakatulala lang talaga ako sakaniya nun. Isang Park Jimin ba naman ang makausap niyo, syempre kikiligin din kayo. At yun na nga.. Nang sabihin niya yun, umalis na siya at tumuloy na ulit ang concert. Pero yung ibang fans, grabe makatingin sakin, parang kakainin na nila ako. Sinabi nilang 'pangit naman daw ako bakit ako pa nilapitan ni Jimin'. Grabe no'? Maka judge sila, kala mo boyfriend ko si Jimin. Eh tinulungan niya lang naman ako.
Yung 'spotlight' thingy naman, hindi ko talaga alam kung bakit ganun yun. Naku! Naku! Malaman ko lang kung sino gumawa nun, baka mapatay ko siya! Sobrang napahiya talaga ako nun. Grabe! Yung halos lahat ng atensiyon, nasayo!
At yung destiny ko naman, wala pa akong alam diyan. Isang taon na pero hindi ko pa nahahanap yang destiny ko DAW na yan. Yung pitong lalaking nameet ko sa mall na puro naka-white mask, wala na akong balita sa mga yun. Paano ko naman sila makikilala? Eh sobrang balot na balot ang mga mukha. Even names wala akong alam. Minsan nga maka-usap ko si Lola Judy about diyan.
Well, speaking of Lola Judy, pumunta ako sa bahay nila few months ago para bisitahin siya pero ang naabutan ko lang dun ay yung yaya niya. Pumunta daw ng Davao kasama yung apo niya. Kaya yun. Hindi ko na naka-usap si Lola Judy. I kinda miss her pa naman.
Nagstop lang yung pag-daydream ko nang huminto ang kotse. Dito na pala kami sa airport.
"Mamimiss ka namin anak. Wag magpapagutom dun ha"
Niyakap ko si mama. Mamimiss ko talaga si mama lalo na yung mga luto niya."Mamimiss din kita ma. Sobra"
Kumalas ako ng yakap kay mama at pumunta naman sa harap ni papa.
Niyakap ko si papa ng mahigpit at niyakap niya din ako. Mamimiss ko talaga si papa."Mamimiss kita anak. Kung sakaling iuwi mo yung lalaking yan dito, makakatikim yan ng bugbog sakin"
Lumaki naman yung mata ko dun at hinampas si papa ng pabiro. Tumawa lang siya at tumawa din ako.
"Joke lang. Eto naman. Basta kung sakaling umuwi ka at kasama mo yung lalaking yun, papuntahin mo siya sa bahay at ipakilala mo sa amin at make sure lang na hindi ka niyan papaiyakin."
Ngumiti ako kay papa at tumango.
"Oo pa. Gagawin ko yun. Sisiguraduhin ko sainyo na loyal yun sakin at hindi ako papaiyakin"
Ngumiti siya sakin at nagthumbs up.Pumunta naman ako kay kuya Kai Min.
"Kuya"
Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko."Mamimiss kita little sis. Mamimiss ko yung makulit kong little sis. Mamimiss ko yung mga sigaw mo kapag naiinis ka na sakin. Hayss. Wala na tuloy akong maaasar"
Napatawa siya at natawa na din ako.
"Diyan naman si ate Kazumi kuya eh. Haha"
sabi ko.
BINABASA MO ANG
Falling For The Fangirl (Bangtan Boys FanFic)
FanficHi! I'm Katarina Ann Perez. At oo, isa akong Fangirl. Fangirl na always nagfa-fangirling sa mga idols or bias nila. Fangirl na always updated tungkol sa taong gusto nila. Fangirl na nagpapadala palagi ng gifts anytime, anywhere. At kung ano pang...