SPOKEN POEM #1

237 3 0
                                    


"Mahal, Patawad"

-

Naaalala ko pa iyong mga sandaling magkapiling pa tayo
Mga sandaling napupuno pa tayo ng pagmamahal para sa isa't isa
Mga sandaling walang ibang inisip kung hindi tayo lamang dalawa

Mahal naaalala ko pa ang mga sandali kung paano mo ako pahalagahan at alagaan.
Kung paano mo akong maingat na inilalayo sa kapahamakan

Naaalala ko pa ang tamis ng ngiti na nakaukit sa mga labi mo tuwing magkasama tayo.
Kung paano mo ako tingnan gamit ang mapangusap mong mga mata.

Mahal, naaalala ko pa iyong mga oras na kulang man tayo sa kwarta, nagagawa pa din nating ngumiti sa isa't isa sabay sabing "ang mahalaga kasama kita."
Iyong mga sandaling nakahiga tayo sa ilalim ng kalangitan, magkahawak kamay at sabay na nakatingin sa mga ulap.

Mahal, naaalala mo ba?
Ang mga pangakong sabay nating hiniling Sakanya?
Mga kahilingang ngayon ay tila naging isang bula
Bulang pumutok ng biglaan. Naglaho sa sandaling akala natin ayos na pero hindi pala.

Mahal, patawad.
Alam kong lahat ng bagay na nagawa ko ay walang wala kumpara sa mga sakripisyong ginawa mo para sa akin.
Walang wala kumpara sa mga bagay na siyang ginawa mo para mapanatiling maayos ang relasyon natin.

Sa mga oras na to alam kong wala ng silbi ang salitang "sorry" para sa mga bagay na nakasakit ng sobra sa damdamin mo.
Sa mga pangakong napako ng dahil sa kagagawan ko, sa mga hinanakit na naidulot ng dating pag-ibig.

Mahal, patawad kung naging duwag at sinungaling ako.
Patawad para sa mga panahong pinaasa ka ng salitang "mahal kita", dahil alam kong hindi sapat katulad ng pagmamahal na inilaan mo.

Mahal, patawad dahil nasayang ang lahat.
Patawad dahil hindi ako nakatupad sa mga pangakong ating binitawan at isinambit sa puso ng isa't isa
Patawad sa nasayang na oras, sa panahong inilaan mo para sa relasyong ito.

Ako'y nananalangin Sakanya
Na kahit tayo'y wala na, ika'y gabayan at alagaan
Dahil alam kong may tao pang nakatadhanang magmahal sayo ng higit pa sa nagawa ko
Pagmamahal na higit pa sa pinakita at pinadama ko sa iyo.


Tugma, Sukat At TanlinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon