"Tula para sa aking sinisinta"-
Habang ang sugatang puso'y naghihilom,
Sakit na nadarama'y unti-unting nalilimot, sa di inaasahang panahon ika'y aking nakilala.
Aaminin kong magaan agad ang loob ko sa iyo
Dahil sa iyong sinseridad at pagpapakita ng mabuting intensyon
Ako'y napalagay agad na ika'y isang mabuting tao, may busilak na puso na kayang umamo ng ultimo mabangis na hayop.Sa una'y nagkakailangan pa, oh sinta alam mo ba?
Na sa unang pagkakataon nasabi ko na, "napakaswerte ng babaeng mamahalin mo dahil mabait na, mapagmahal pa."
Simula noon ay palagi ng nagkakasubaybayan
Maghapong magkausap, hindi alintana ang oras.Oh sinta isa kang hulog ng langit! Ewan ko ba kung bakit ito kaagad ang aking nasambit
Tamis mong ngiti sa isipan ko'y palaging nakasingit
Sa tingin ko'y
Tinamaan na ata ako
Walanghiya ka, kupido!Nagdaan ang segundo, oras at araw ngunit patuloy ang ating komunikasyon
Ngunit sa di inaasahan ay may nangyaring di kanais-nais.
Ano ba naman itong napasok ng pusong lito?
Isa ka lang pero dala-dalawa ang binibingwit mo!"Mahal kita," sagradong salita na maari mo lamang bitawan sa taong may kasiguraduhan
Bakit naman sa maling tao mo pa binitawan?
Hayan tuloy at ikaw pa ngayon ang luhaan!Lumipas ang mga araw ngunit andiyan ka pa din
Nakalahad ang mga tengang handang makinig sa mga hinanaing nitong puso
Bakit ka ganyan?
Hindi ba dapat ay iwan mo din ako katulad nila?
Sapagkat ika'y naloko at pinaasa?Oh sinta, bakit ganito ka?
Ako'y isang kaladkaring nilalang na walang ibang ginawa kundi ang magpaasa ng iba
Pero heto ka at nagtitiis
Sa isang tulad kong puro problema ang dulot sa iyo.Sadyang mapaglaro ang tadhana
Sinabi mong "mahal kita" tunay nga ba ang aking narinig?
Mahal mo ako? Ngunit bakit?
Paano? Kailan? Bakit sa akin?
May isang parte ng puso ko ang nagsasaya
Dug.dug. Dug. dug sigaw ng puso ko, sinta.Ngunit matatanggap mo ba ang isang katulad ko?
Hindi ako perpekto katulad ng iniisip mo
Sa tingin mo kaya'y babagay tayo?
Isang taong halos perpekto at ako bilang labis ang pagka-imperpekto?Oh sinta, bago matapos ang tulang ito gusto ko lang malaman mo
Na kahit anong mangyari ikaw na ang mahal ng pusong ito
Wala eh! Nabihag mo ng husto
Alagaan mo sana katulad ng pagpapahalaga ko sa iyo at sa pagmamahal na ibibigay ko."Mahal kita", dalawang salita ngunit napakalalim ng kahulugan
Dalawang salitang makakapagpabago ng sitwasyon ng dalawang taong nagmamahalan.
Dalawang salitang laman ng aking puso't isipan.