CHAPTER 17

1.2K 81 100
                                    

CHAPTER 17

"Hanggang ngayon bobo ka pa rin sa ganyan?" Sinamaan ko ng tingin si Jungkook bago ko sinubukang kunin yung teddy bear pero nahulog ulit. Kasalanan to nung claw machine, hindi marunong kumuha ng maayos!

"Manahimik ka. Minaster ko to nung college ako. Magaling na ako dito." Sabi ko sa kanya saka naghulog ulit ng token.

"9 years na yung nakakalipas nung grumaduate tayo ng college, weak ka pa rin." Sabi nya saka ako inusog at sya na yung pumwesto sa harap nung machine.

"Alin ba dyan?" Tanong ni Jungkook. Kinuha ko yung white na teddy bear na may hawak na heart.

"Madaling madumihan to eh." Sabi ni Jungkook pero nakuha pa rin naman nya. Kinuha na nya yung teddy bear saka binigay sakin, "Wala talaga akong kayang gawin."

"Meron kaya." Sabi ko kaya napatingin sakin si Jungkook, "Hindi mo kayang gawan ng paraan para mainlove ako sayo."

Napanganga si Jungkook sa sinabi ko pero iniwan ko sya doon na nakanganga, "Hoy! Hindi mo man lang ba ako naging crush kahit konti lang?" Tanong ni Jungkook nung nahabol nya ako. Bakit kasi ang haba ng legs neto?

"Sana nga naging crush kita." Sabi ko na nagpatahimik sa kanya.

Pumunta kami sa isang restaurant para kumain ng steak. Feeling ko talaga nahawa na si Jungkook sa asawa nya dahil mahilig na sya sa mga sosyal na bagay.

Umorder na kami ng steak saka wine. Tinitignan ko yung teddy bear. White yung pinili ko dahil sobrang puti ni Suga. Yung ultimo nagbeach na kami at umitim na ako, maputi pa rin sya. Anong klaseng balat kaya meron yon?

"Hyung. Hindi mo ba sasamahan si Suga ngayon?" Tanong sakin ni Jungkook, "Balita ko, ngayon sya aalis ng ospital. Hindi mo ba sya sasamahan?"

Umiling ako, "I don't want to see him for now."

"Bakit? Sinukuan mo na ba sya?"

"No." I said, "I'm just confused. The last time, he wants me out of his life. The next day, he doesn't want me to go. Naguguluhan ako sa kung anong gusto nya. He even accused me for cheating."

Pinatong ni Jungkook yung kamay nya sa table saka ako tinignan, "Sobrang naalog ba yung utak ng asawa mo at naging ganyan sya? Ang labo nya ah!"

I shrugged. Ako rin naman hindi ko maintindihan. Sobrang linaw pa rin nung sinabi nya sakin. Magdivorce na daw kami kasi ayaw nyang ikasal sa taong hindi nya mahal tapos bigla nyang sasabihin na wag kong sabihin na mahal ko sya kung magloloko lang rin pala ako.

Sumasakit yung ulo ko tuwing iniisip ko kung anong gusto nyang gawin ko.

Dumating na yung steak at wine. Uminom agad ako ng wine at nagsimula ng kumain si Jungkook.

"Alam mo, kung si Arian yung nagkaroon ng amnesia, ipapakita ko lang abs ko don at siguradong maaalala na nya ako." Sabi ni Jungkook kaya muntik na akong mabilaukan.

"So anong pinaparating mo? Na ipakita ko rin kay Suga yung abs ko para maalala nya ako?"

Napahawak si Jungkook sa baba nya na para bang nag-iisip talaga sya, "Kung mag-sex kaya kayo ulit, Jimin? Baka maalala nya tutal lagi syang top diba."

Biglang bumara yung steak sa lalamunan ko kaya kumuha agad ako ng tubig, "Gago! Ako yung top!"

"Wag mo kong tinatarantado, Jimin. Alam ng lahat na ikaw yung bottom." Sabi ni Jungkook sakin.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon