Ayoko Na

21 3 0
                                    

Ayoko na.

Ayan ang salita na akala ko hindi ko masasabi sa pagitan nating dalawa.
Akala ko ang salitang paalam na ang magiging dulo ng kwentong meron ang isa't-isa.
Pero may mas sasakit pa pala sa paalam, at iyon ay ang ayoko na.
Ayoko na kasi sobra na. Sobra na ang sakit nadarama. Sobra na ang mga patak ng luha sa aking mga mata.
Mga patak ng luha na siyang unan ko ang tanging nakakita.
Masasakit na mga alaalang hindi na nanaising bumalik pa.
Sabi ko noon, hindi ako susuko. Kasi naniwala ako na sapat ang pag-ibig para magpatuloy ang tayo. Pero ayoko na. Ayoko na kasi paulit ulit nalang. Paulit ulit mong pinili na ako ay saktan. Pinatawad kita sa pag-aakalang hindi mo na sasaktan. Pero muli na namang nagkamali. Sapagka't sa bawat pagkakataong ibinigay, pananakit ang lagi mong sukli. Paulit ulit kang nangako, sinabing ikaw ay magbabago. Naniwala ako. Pero bakit? Bakit pinili mo pa ding manatili sa katauhang nanakit sa tulad ko. Tama na, sobra na. Ayoko na. Ayoko ng sumugal kasi nakakapagod na. Ayoko ng magpatuloy kasi paulit ulit na. Siguro tama lang na sa mga oras na ito, sarili ko naman. Sarili ko naman ang aking pahalagahan. Ang kandilang mayroon ako ay unti unti ng nauupos. Ang sarili ko ay tila baga unti unti ng nauubos. Hindi na nabigyang pansin sapagkat sayo lang, atensiyon naibuhos. Tama na. Ayoko na. Paalam na. Ayoko na hindi dahil hindi na kita mahal. Ayoko na kasi ayaw ko ng sumugal. Sumugal sa isang laban na sa huli ako din naman ang talunan. Aalis na ako, aking mahal. Ayoko na. Ayoko ng dugtungan pa. Kaya paalam na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ayoko NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon