I Remember the Boy

264 10 13
                                    

Date Finished: February 25, 2014

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

I was just an ordinary girl. Nothing extraordinary. Nothing special. Bored with life. Ang gusto lang ay makaabot ng 5th yr. sa course niya at maging CPALawyer. But everything’s changed when I met you, drummer boy…

It started at CBA Day nang magperform kayo ng banda mo. I’ve heard a lot of things about you but decided to ignore that. I thought you were overrated. Na exaggerated lang talaga ang mga fangirls mo sa pagkakadescribe nila sayo. Until that night, you showed me that I was wrong.

Apat kayong lalaki na tumungtong sa stage at nag-ayos ng mga instruments. I grimaced as the crowd started to get wild. Grabe naman ‘tong mga babaeng ‘to makasigaw.  Ang sakit na ng eardrums ko!

“OMYGODS OHMYGODS REX!!!” I glanced at my friend na baliw na baliw din sa’yo. Grabe, pati kaibigan ko nagayuma mo?

“MARIAN OMGGGG!!!” niyugyog niya ako nang niyugyog na pakiramdam ko ay lalabas na ang kaluluwa ko mula sa katawan ko.

 “ANO BA LYKA! KUMALMA KA NGA!”

“HINDI KO ALAM ANG SALITANG KALMA!”

Mas lalong naghiyawan ang crowd nang magsalita ang vocalist. Napatingin ako sa’yo. You were just there, smiling while holding your drumsticks. Siguro tuwang-tuwa ka na andaming nagkakandarapa sa’yo no? Nakakatawa nga na mas sikat ka pa kaysa vocalist niyo. Hanep. Lakas talaga ng appeal mo.

“MARIAN LIKA NA!” sigaw sakin ni Lyka at hinila ako patayo.

“WAIT! SAN TAYO PUPUNTA?!”

“SALI TAYO DUN DALI!!!” itinuro niya ang crowd na nasa baba ng stage at nakataas ang mga kamay at naghihiyawan.

Nagsimulang tumugtog ang banda.

“AYAN NA SIMULA NA OMG!!!” wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa hila ni Lyka. Wild na wild na ang mga CBA students nang makarating kami doon.

Natapos kayong tugtugin ang Sandalan ng 6 cyclemind. Napanganga nalang ako sa sumunod niyong tinugtog. Ang astig lang na kaya  niyong gawing rock ang kanta na to.

“Let it go, let it go

Can’t hold it back anymore

Let it go, let it go

Turn my back and slam the door…”

Nagtalunan ang mga tao at nakipakslamman nang magsimula kang pumalo ng drums. Hindi ko alam pero hindi ko na maalis ang tingin ko sayo. Sa bawat pagpalo mo, pagpapaikot mo ng drumsticks sa mga daliri mo habang tumutugtog at pagheadbang at pagngiti mo--lahat ‘yon napansin ko. Hindi ko mapigilang hindi mamangha. Tama nga sila, magaling ka nga.

“The snow glows white on the mountain tonight

Not a footprint to be seen

I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon