Chapter One

4 1 0
                                    



" Get out of my way!" Sigaw ni Alyson habang nag lalakad sa hallway.

Paano ba naman? Pinagkakaguluhan sya matapos niyang ipahiya yung lalaking nagkakagusto sakanya.

Dumiretso si Alyson sa canteen kung saan andoon ang kanyang mga kaibigan.

Si Alyson ang kinatatakutan sa buong school nila. Hindi lang dahil sa nampapahiya siya.. kundi ang Pamilya niya ang may ari ng eskuwelahang pinapasukan niya. Isa rin siya sa mga sikat sa school nila.

Pagkarating ni Alyson sa canteen ay dumiretso siya kaagad sa table netong magkakaibigan at kinuwento ang nangyari.

Sabay sabay na nagsitawanan ang magkakaibigan.

Kaya naman napapatingin rin kung minsan ang mga estudyante sa paligid.

Hindi naman girly na maldita type si Alyson eh. Para siyang boyish gumalaw pero pambabae parin manamit. Kaya minsan iniisip nilang tomboy ito at ang iba naman ay iniisip na may strong personality lang ito... dahil sa lahat ng mga nanliligaw at nagkakagusto sakanya, ay binabusted niya at pinapahiya. Mukhang wala na atang balak mag asawa neto eh.

" Ikaw talaga! Wala ka bang balak magka- boyfriend?" Tanong ni Leslie sakanya, isa sa mga kaibigan niya.

" Hmm, sa ngayon, wala pa." Sagot niya

" So hanggang kailan yang SA NGAYON mo na yan?" Pagtatanong naman ni Raven

" I dont know." Matipid na sagot ni Alyson

Bigla namang nagring na ang bell. Kaya naman nakaramdam na ng tuwa si Alyson dahil nakaligtas siya sa mga awkward na tanong ng kanyang mga kaibigan. Nang tumunog ang phone nito.

Nakita niyang nagtext ang kanyang Tito Philip niya.

From: Tito Philip

Good day Aly! I just want to inform you that Quiel's arrival is tomorrow night. If you want to fetch him just inform me. Have a great day!

Pakielam ko kay Quiel. And I dont have time to fetch him! I have so many things to do.. katulad ng pagpapahiya sa ibang tao dyan!

Pagkatapos ng klase ay kaagad akong hinila ni Claire palabas ng classroom.

" Oh?" Tanong ko

" Gaga, may nagsabi sakin kanina nung nag CR ako na balak ka daw abangan ni Joanna dun sa may eskinita malapit sa kanto. " Sabi ni Claire sakin

" What? Napaka Low Class! Di ko papatulan yun. I know my worth, and my time is precious. " Sagot ko

Oo, palaaway ako. Pero I choose my battlefield naman.

" Very good! Buti naman at alam mo yan!"

" Of course! Let's go home na!" Sabi ko sabay diretso ng parking lot

" Di mo susunduin si Fafa Quiel mo?" Pang aasar ni Claire sabay pasok sa kotse at umupo sa shotgun seat

" Syempre.." Pabiting sagot ni Alyson kaya biglang kumislap ang mga mata ni Claire ".. SYEMPRE HINDI!!" Dagdag ni Alyson

" Ano ka ba Aly? Asawa mo yun oh? " Pagrereklamo ni Claire

" Husband ko sya sa papel. Hindi sa totoong buhay. At di ko siya mahal!" Inis na sagot ni Alyson habang nagdadrive palabas ng gate

" Ang sama mo talaga!" Tanging nasabi nalang ni Claire

Pagkarating sa bahay nila Alyson ay napansin niyang walang tao sa bahay.

Wala si Ate Cecil at si Kuya Teodoro. Sila nalang kasi ang kasama nila Alyson at Quiel sa bahay. Si Ate Cecil ang kanilang katulong, pero ang turing na nila rito ay kapamilya. At si Kuya Teodoro ang kaisa isang driver nila. Siya ang madalas mag drive kay Quiel pag may mga kelangan puntahan, mga mallshows, shooting ganern.

Yes, artista si Quiel at galing ito sa shooting ng upcoming movie niya. And yes, nasa iisang bahay sila ni Alyson.

Isa sila sa mga malas na tao na nadadamay sa Arrange Marriage.

Nagsimula ito sa Tatay ni Alyson na si Jaime at sa Tita ni Quiel na si Pia.

Naging magkasintahan sila noong nasa Pilipinas pa si Jaime dapat nga magpapakasal pa sila eh, pero nang dumating yung panahon na magkokolehiyo na si Jaime ay pinili niyang sumama sa kanyang Lolo at ibang kamag- anak nila sa America at doon siya nag aral.

Hanggang sa nakilala niya si Mira, ang mommy ni Alyson. Nang makatapos sila ng kolehiyo ay nagpakasal sila. Nabalitaan nalang ni Jaime na namatay na si Pia. Kaya naman napauwi si Jaime ng Pilipinas at nalamang ikinulong nito ang sarili nang malamang naikasal na si Jaime kay Mira.

Sobra ang galit ng pamilya ni Pia kay Jaime kaya napagkasunduan na lamang ng mga magulang ni Jaime at ni Pia na ang pagpapakasal sa magiging anak ni Jaime at sa magiging anak ng kapatid ni Pia, si Philip, ang magiging kabayaran sa kamatayan nito.

Walang nagawa si Jaime at inaasahang makakalimutan rin ito pagdating ng panahon. Ngunit bago pa man mag pitong taon sila Quiel at Alyson ay ipinakilala na ni Philip si Quiel kay Alyson.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Naging mag bestfriend sila. Magkapatid pa nga eh.

Ngunit nang dumating yung panahon na sila'y 13 years old. Ikinasal na sila sa ibang bansa. Dahil hindi pa pwedeng maikasal dito sa Pilipinas ang ganyang edad.

At doon nagsimula magkalayo ng loob ang dalawa...

Tinawagan ni Alyson si Ate Cecil at nagtanong kung nasaan sila

" Alyson, nandirito kami ni Teodoro sa airport. Susunduin namin si Quiel"

" Sige po Ate, mag iingat kayo. Anong oras daw po ba dating niya?"

" Ang sabi lang ni Sir Philip, gabi eh. "

" Ah sige ate mag ingat kayo. Bye na po"

" Sige bye" At binaba na ni Alyson ang tawag.

Pumunta sya sa sala at nahiga sa sofa habang nanunuod ng TV.

Ano ba naman yan! Si Quiel na naman nakikita ko! Nakakaumay na!!

Ang sabi nalang ni Alyson sakanyang isip.

Paano ba naman, si Quiel na naman ang nasa commercial. At umay na umay na si Alyson kay Quiel dahil kahit saan nalang siya mag punta ay nandoon rin siya at nandoon ang pagmumukha niya!

Alas Onse na wala parin sila Ate Cecil at Kuya Teodoro.

At Nakatulog na si Alyson sa sofa.

--

Her Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon