Cyril's POV(A/N: Si Cyril ay babae, rank 2 sa panibagong rank nila kung hindi maalala.)
Gabi na. Quarter to 10pm na yata. Nagpaiwan muna kami nina Rupert at Paul dahil kinausap kami ni Sir Gil tungkol sa aming mga libro.
Pagkatapos naming mag-usap, kanya kanya na kaming nagpaalam sa isa't-isa. Nauna na sila Rupert at Paul umuwi kaya lumabas na rin ako sa gusali pagkatapos kong isaayos ang aking mga gamit.
Nasa kalagitnaan na ako ng daan nang may marinig akong sunod-sunod na yapak. Kumabog nang malakas ang dibdib ko ngunit pinanatili ko ang sarili kong kalmado.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sobrang tahimik sa daan na dinadaanan ko, kaya malinaw pa sa sinag ng buwan ang mga naririnig kong mga yapak hindi kailanman tumigil mula pa kanina.
Binilisan ko lakad ko. Tumayo ng sabay-sabay ang mga balahibo ko nang marinig na bumibilis din ang mga yapak sa aking likuran.
Pakiramdam ko ay mapapaupo ako sa sobrang pangingilabot. Pinagpapawisan na ako... At ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Umihip ang napakalamig na hangin. Nagulat ako nang makitang hindi ko na nailakad ang paa ko sa panginginig. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong... NAPAHINTO AKO!
SHIT! WTF???
Pero ang mas naghatid ng sobrang pangingilabot sa akin ay ang katotohanang... HUMINTO RIN ANG MGA YAPAK.
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko.
Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong hindi makadilat.
"AAAAAAAH—"
May itinampal na isang panyo sa ilong ko. Nanuot ang kakaibang amoy nito sa ilong ko at hindi ako nakahinga sa amoy na iyon.
"Cyril..."
"Cyril..."
"Cyril.."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Isang madilim na silid ang bumungad sa akin.
Napagalaw ako at nakita ang sariling nakabalot sa malalaking tanikala. Hindi ako makagalaw.
Nasaan ako?
"Cyril..."
Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang impit at hirap na boses na 'yun.
Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Paul. Nakatali din siya kagaya ko pero hirap na hirap at pagod ang itsura niya.
Nanginig ang katawan ko nang dumako ang aking paningin sa kanyang namamagang paa.
WALA NA SIYANG MGA KUKO AT DUMUDUGO ANG MGA ITO!!!
Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Binunot ba ang mga 'yun? Sino ang may gawa niyan sa kanya?
"PAUL, ANONG NANGYARI?! PUTA, BAKIT TAYO NANDITO?!"
"Shh... Baka marinig tayo."
"Nino?"
"Hmmm..."
Nakarinig ako ng impit ng pag-ungol. Nanginginig na napalingon ako sa kanan.
SI RUPERT!
Nakatali rin siya. Nakatakip ang bibig at mga mata niya ng black tape.
Mas lalong nanginig ang buong sistema ko.
BAKIT NANDITO KAMING TATLO? AKALA KO BA, NAKAUWI NA SILA?! NAHULI RIN SILA KAGAYA KO?
"Nasaan tayo, Paul? Bakit tayo dinala dito? Anong nangyari sa inyo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...