Chapter 1

12 2 0
                                    

*Riiiinnngggg*

Saktong paglabas ko galing sa Parking Lot ng school ay tumunog naman ang bell.


Kahapon ang first day ng school kaya malamang hindi na ako mahihirapang mag-introduce ng sarili ko sa mga lecturers. Pumunta na ako sa room ko, pagdating ko wala pa rin yung lecturer. At yung mga kaklase ko naman ay puro harot na agad, umupo ako sa bandang dulo.


Maya-maya lang ay dumating na ang lecturer namin sa first subject kasunod yung lalaking---


"Good morning class, you have a new classmate. Wala siya dito kahapon kasi inasikaso niya pa ang pagpapalipat sa section na 'to." Pagpapakilala ng lecturer namin sa bagong lipat na estudyante.


"Hello, My name is Kenneth Park." Pagpapakilala nung lalaking nagbigay sakin ng panyo. Bakit ko siya kaklase? At bakit siya nagpalipat sa section na 'to? Tsk, nakakaasar naman oh. What a great destiny! *sarcastic tone*


Umupo siya sa upuan na katabi ng upuan ko. What the!? Bakit siya tumabi sakin? Napaka-annoying talaga ng lalaking 'to. Kahapon pa 'to ahh.


"Hi Miss Kate Nathalie Mariano" Bati niya sakin pagkaupo niya sa upuan na katabi nung akin. Teka, sinabi niya ba yung buong pangalan ko? Ugh, at paano niya naman nalaman yung pangalan ko at full name pa ah. Huwaw lang stalker ko ba 'to?


"Paano mo nalaman pangalan ko? Stalker ba kita?" Inis na sabi ko sa kanya. "Woah, chill ka lang. Hindi mo ako stalker sadyang nakita ko lang sa I.D mo" Natatawang sagot niya.


Whaaaaattttt!!?? Agad kong tiningnan yung I.D ko at agad na tinalikod yung pangalan. So transferee pala siya dito kasi wala pa siyang I.D. Okay! Ako na assuming. Tsk, inuumpisahan nanaman ako netong lalaking 'to ahh. Hindi ko nalang siya pinansin at kunwaring nakinig nalang ako sa teacher namin.


Pansin kong kanina pa tingin ng tingin sakin 'tong Kenneth na 'to kaya tumingin ako sa kanya at tinaasan ng isang kilay. "Hehe peace tayo" Inirapan ko siya at nakinig sa discussion.


Nakakatamad makinig ng lesson lalo na kapag yung katabi mo maya't maya ang tingin sayo. Yung totoo may dumi ba ako sa mukha? Tsaka kakaumpisa palang ng school year ang dami na agad nilelesson haysst.


*Discuss*

*Discuss*

*Discuss*

*Lunch Break*

*Riiiiinnnngggg*


"Okay class dismiss" Sabi ng lecturer. Hayyyy sa wakas natapos rin ang walang katapusang discussion.


Nagmadali ng lumabas ang mga kaklase ko. Inayos ko pa ang mga gamit ko kaya nahuli ako. Kahit naman naboringan ako sa puro discussion ng mga magkakasunod na subject ay nagsusulat pa rin naman ako mahirap na at baka bumagsak pa ako lalo na't graduating na ako sa High School.


Aalis na sana ako kaso may biglang humawak sa braso ko. Napatingin ako kung sino yung humawak sakin at nakita ko ang isang lalaking mukhang tanga kakangiti.


"Ahmm pwede bang sumabay sayo sa Lunch, don't worry it's  my treat. Transferee kasi ako dito kaya hindi ko pa alam ang mga pasikot-sikot dito." Maaawa na ba ako? Kaso nangingibabaw yung inis ko eh.


"Oh ngayon? Mukha ba akong tour guide? Sa ganda kong 'to isang tour guide tsk. Tsaka pake ko kung maligaw ka sa napakalaking school na 'to? Pinili mong mag-aral dito diba kaya magsariling sikap ka na malaman pasikot-sikot dito." Inis na sabi ko saka ko siya tinalikuran. Pero hinabol niya pa rin ako.


"Tsk. Hindi ko alam may lahi ka rin palang aso noh? Bakit ba sunod ka ng sunod? Naiirita na ako sayo eh" Sabi ko nung mahabol niya ako.


"Bakit ba kasi ang sungit mo sakin Nathalie? Swerte mo pa nga kasi hinahabol ka ng lalaking hinahabol rin ng mga babae eh. Tingnan mo sila oh" Tinuro niya yung mga paligid at kumindat pa sa isang babaeng kilig na kilig nung dinaanan namin. Tsk, anong pake ko kung hinahabol siya.


"Kyaaaahhh! Kinindatan ako ni Kenneth!"


"No girl, ako ang kinindatan niya. Huwag kang assumera"


"Hindi niyo ba nakita na ako ang kinindatan? Sampalin ko kaya kayong dalawa diyan"


At talagang mag-aaway pa sila para lang sa lalaking 'to? Ang babaw nila ahh. "See? Handang makipag-away ang sinuman maangkin lang ako. Kaya be thankful ka nalang kasi ang isang Kenneth Park pa ang mismong naghahabol sayo" Sabi niya sabay kindat. Tsk hindi ba siya nandidiri sa ginagawa niya?


"May lahing aso ka nga kasi kaya ka hinahabol at naghahabol." Mataray na sabi ko. Pagkarating ko sa canteen ay umupo na agad ako sa available na table at tinawag yung waiter para umorder.


Yes, we have a waiter here in our canteen, our canteen is like a restaurant. Sikat na school kasi ang Paris University at eto ang nangunguna pagdating sa Acads, sports, karangyaan, kasosyalan, kaartehan at marami pang iba.


"Ang astig naman pala dito kasi hindi kana mahihirapan pang pumila para lang makakain." Singit bigla ni Kenneth. Sa sobrang inis ko sa kanya hindi ko na napansin na naki-share siya ng table sakin. Akala ko natabunan na siya ng mga babae dun eh. Kabute ba 'to? Sulpot ng sulpot eh. Pagtapos niya umorder ay kinulit niya nanaman ako.


"Ano ba napakakulit mo naman? Ano bang kailangan mo!?" Inis na bulyaw ko sa kanya. Pero nginitian niya lang ako. Bakit ba ngiti 'to ng ngiti?


"Bakit ba inis na inis ka sakin? Wala naman akong ginagawa ahh?" Tanong niya.


"Pake mo ba? Pare-parehas lang naman kayong mga lalaki eh. Dinadaan niyo kaming mga babae sa mga pasweet niyo tapos in the end lolokohin niyo lang!"


"Eh hindi naman kasi ako ganun eh. Tsaka hindi ako katulad ng nanakit sayo noh. Ayoko kayang nakakakita ng mga babaeng umiiyak. Kaya nga nilapitan kita kahapon eh."


"Whatever" Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil dumating na yung inorder ko kaya kumain nalang rin ako.


Natapos yung araw ng napakaboring dahil puro discussion. Hindi ko ma-enjoy yung pakikinig dahil sa bakulaw na katabi ko. Idagdag mo pa yung nakakaantok na boses ng mga lecturers.


Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto dahil nakakapagod 'tong araw na 'to. Buti nalang at hindi na ako pinansin ni kuya na nasa sala habang nanonood ng basketball. Nagbihis nalang ako at nahiga kaya hindi ko namalayang nakatulog na ako. 

Ikaw At Ako (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon