Cyclone's pov
Ano nga bang nangyari? Parang kailan lang napakasaya pa natin. Sayang walang makakapantay sa kahit anong bagay, na naglaho nalang bigla dahil sa isang pagkakamali, pagkakamaling sanang hindi nalang nangyari, na sana ay hindi ko nalang ginawa na hindi ko akalaing pagsisisihan ko! Naaalala ko pa una kitang nakita sa isang wedding celebration na dun ko din mismong nakikilala ang katulad mo, katulad mong diko akalaing malaki ang magiging parte sa buhay ko :( na diko akalaing mamahalin ko ng wagas hanggang sa naging kaibigan kita, naging close tayo ng sobra :) napakasaya ko non sobraaaa!! Hanggang sa diko akalaing nahuhulog na ang loob ko sayo. At nagtapat ako ng nararamdaman. Noong una nahirapan pakong suyuin ka dahil iniisip mong magiging hadlang sa magiging relasyon natin ang kapansanan mo dahil bulag ka. Ngunit ipinaramdam ko at ipinakita sayo na hindi yun problema dahil mahal kita kayat sa huli'y nakuha ko ang matamis mong oo, wala nang mas sasaya pa sa araw nayun. Pakiramdam ko nun ay nasa akin na ang lahat dahil andyan ka, hanggang sa umusad ang panahon at nakagraduate ako ng college, nagpropose ako sayo nung 3rd anniversary natin :) napakasaya ko dahil hindi naman ako nabigo "oo" parin ang sagot mo. Tatlong buwan bago ang ating kasal nakaisip ako ng isang magandang plano ninais kong makakita kana. Kaya't naghanap ako nang eye donor mo subalit halos isang buwan din akong naghanap ngunit wala talaga akong mahagilap ngunit di ako sumuko dahil nga naipangako ko na sayo na makakakita ka bago tayo ikasal, ayoko biguin ka mahal :) kasi mahal na mahal kita eh, hanggang sa nagbunga at sipag at tyaga ko nakahanap ako ng eye donor mo. Sobrang saya ko ulit nun kasi nga naiisip ko palang na makakakita kana, na makikita mona ako ay lumalakas ang kabog ng dibdib ako sa sobrang saya. Isang linggo bago mangyari ang operasyon may pamilyang lumapit sakin at nanghihingi ng pabor. Pabor na napakahirap gawin base sa sitwasyon ko. Nais nilang ang eye donor na nakuha ko ay maging eye donor ng anak nilang lalake dahil sya nalang ang inaasahan ng pamilya nila. Nagmamakaaqa sila sa harap ko nung araw nayun ngunit diko sila pinagbigyan dahil mahal kita para sa iyo yun at hindi maaring mapunta sa iba. Ngunit ng sumunod na araw ang bulag na anak na lalaki nila ang nagpunta sa akin upang magmakaawa diko na napigilan ang aking sarili sa pag ka awa kaya pinagbigyan ko ang pamilya nila. Naghanap ulit ako ng eye donor mo ngunit bigo nakong makahanap pa. Hanggang na napagpasyahan ko ito. Nagpasyahan kong ako nalang ang maging eye donor ko matupad lang ang pangakong makakakita na sa araw ng ating kasal. Nailipat na ang aking paningin sa iyo :) tatlong linggo bago ang ating kasal kaya mas pinili kong huwag muna magpakita at isurprise kana sa araw mismo ng ating kasal ngunit kahit ganon palagi naman tayong mag kausap sa phone eh kaya masaya parin ako. Natutuwa nga ko kase napakarami mo nang kwento :)Hanggang sa dumating na ang araw na ating pinakahihintay :) araw na nang ating kasal napakasaya ko nun kahit dina kita nakikita pa nararamdaman ko naman kase ang pagmamahal mo. Iniimagine ko nalang na nakikita kitang nakangiti habang papalit kana sakin sa harap ng altar, sa harap ng panginoon kung saan tayo magiisang dibdib, ngunit diko parin maiwasang malungkot dahil isinekreto ko sayo na ako na nga ang magiging aye donor mo, pero dina yun mahalaga atlis alam kong masaya ka ay masaya narin ako, naramdaman kong hinawakan mo ang mga kamay ko kaya't napangiti ako :) tinanong mo ako kung bakit ayaw kitang tingnan at sinabi mo pa kung napapangitan ba ako sayo ngunit isang matamis na ngiti lang ibinigay ko at yumuko. Nagulat ako nang bigla mong bitiwan ang kamay ko at itinabing palayo sa iyo "bulag ka?" Pasigaw mong tanong sakin ngunit nanatili akong tahimik at nakayuko "bakit dimo sinabi saking bulag karin? All this time niloloko mo lang pala ako?" Isa sa mga sinabi mong dumurog sa puso ko. "Sorry diko matatanggap na magkaroon ng asawang bulag. Ayoko nang bumalik sa paghihirap na dinanas ko noon. Patawad!" Yan huli mong kataga nagpawasak sa katauhan ko napasakit!! Ngunit isang ngiti parin ang iginawad ko sayo tsaka ko hinawakan ang kamay mo. "Patawad din, mahal na mahal kita. Naiintindihan ko :)"
Pagkatapos ng mga pangyayaring yun hindi ko na alam kung anong nangyari saken. Di naman ako perpekto at tao lang akong nasasaktan, naging pariwara ako sa nangyari na halos isang taon kong naging gawain ang alak at droga. Ngunit wala akong napala mas lalo kolang isinama ang buhay ko. Hanggang sa bumalik ako dating ako na naniniwala sa salitang PAG ASA. Ninais kong makakita ulit kaya't naghanap ako ng eye donor at kung sinuswerte ka nga naman halos apat na buwan lang iginugol ko ay nakahanap ako.
Nang makakita akong muli, sinimulan kitang hanapin ngunit bigo ako. Wala akong makuha ni katiting na balita tungkol sayo hanggang sa itinigil kona ang paghahanap siguro nga hindi tayo para sa isat isa :(
Naglalakad ako nun nang matapat ako sa isang simbahan :)
"I pronounce as husband and wife, you may now kiss the bride" may ikinasal pala napangiti ako nang mapait :) dahil ang ikaw pala mahal ang ikinasal sa ibang lalaki. Tinitigan ko kayong maglakad palabas ng simbahan na mayroong wagas na ngiti sa mga labi, naaalala ko rin ang lalaking pinakasalan niya sya yung bulag na anak nang pamilyang nagmakaawa sakin para makuha ang eye donor ng babaing minamahal ko :) ang tadhana nga naman sadyang magpaglaro at ako ang naging daan para sa lovestory nilang dalawa.