2.17.2014
Another class day over. Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong margining ang huni ng bell na nagpapahiwatig na tapos na ang huling klase namin nitong Lunes. Lunes palang pero mukha nang Biyernes ang itsura ko sa dami ng takdang-aralin na kailangang tapusin, mga lessons na kailangang ireview para sa parating na major exam at idagdag pa ang mga projects, co-curricular and community activities. Lunes! Mahal na mahal mo talaga ako Lunes.
Tumayo ako sa kinauupuan kong plastic chair, isinukbit ang aking school bag sa aking kanang balikat sabay ayos ng mga handouts, clearbook, modules at ilang pang mga papel sa ibabaw ng aking mesa. Hindi pa man ako nakakahakbang ng isa ay may sumalubong na sa akin – si Nathaniel.
“O, ikaw ulit ang sundo ko?”
“Fortunately or unfortunately, yes.” Iniabot ni Nathaniel ang kanyang kamay na akmang kinukuha ang mga abubot ko pati na rin ang aking school bag.
“Akon a lang itong bag, magaan lang naman. At nakakabawas ng pogi and macho points.” Sabay ngiti ko na naramdaman kong may halong malisya. Gwaping naman talaga itong sundo kong ito na sa loob ng isang linggo ay constant kong last period sundo. Alam kong malaking perwisyo ito para sa kanya pero wala naman akong magagawa dahil utos ng aking mahal na ina at nakapangakong malupit ang aking tall brother sa aking mga kuya-kuyahan.
“I’m really sorry, mabagal talaga akong kumilos and I’m sorry kung isang linggo na akong nakakaperwisyo sa iyo,” paghingi ko ng paumanhin.
“Sshhh! Una, hindi nakakabawas ng points ang paggamit ng bag ng babae. Actually dream ko ang makasukbit ng bag ng ibang babae. Sa bahay, naisukbit ko na ang bag ng mommy at little sister ko. So I wonder kung ano ang feeling kung bag ng ibang girl ang maisukbit ko dito sa shoulder ko. Pangalawa, there is nothing to be sorry of. You are my petite sister and duty ko ito.” Pagpapatahan ni Nathaniel.
Natulala ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya habang naglalakad ng paatras.
“No, hindi ako pogay or bading. I seem to know what’s on your mind. Let me just clarify it.”
Tumango na lang ako. “Request? Pwede bang pumunta lang ako saglit sa library. May isasauli lang akong book and may hihiramin ulit?” Biglang lumapit sa akin si Nathaniel, hinawakan sa likod at dinikit sa sarili niya sabay ikot. Nakaramdam ako ng banggaan ng mga katawan. Dahil sa di hamak na mas matangkad sa akin si Nathaniel, covered na covered ako. Lumakad lang papalayo ang lalaking nakabangga kay Nathaniel. “Brod, di k aba marunong magsorry? Muntik ka nang mabangga ng babae.” Nag-make face lang yung tarantadong lalaki. Sumunod na lang ang tunog ng mga kumakaripas na paa. Siguro mga tall brothers ko rin sila at gusting habulin yaong nakabangga kay Nathaniel. Binitawan ako ni Nathaniel subalit ipinuwesto niya ako sa tabi niya.
“Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya.
“Hindi ka ba nasaktan?” inulit ko yung tanong niya. “Sa tangkad at laki mong yan, hindi ako masasaktan. Pero sa impact ng banggaan niyo nung lalaking yon, alam ko, ikaw ang nasaktan.” Sabi ko.
“Pwede ko lang ipagpag ito, okay na. Tara na sa library.” At sa library nga kami dinala ng mga paa namin.
“Sandali lang ako.” Sabi ko sa kanya.
“Take your time, sissums.” Asar niya. Kumaripas na ako papasok ng library habang siya ay naiwan sa labas dahil di niya dala ang kanyang access card. Palihim niyang binuklat ang mga abubot ko. Matapos ng limang minuto ay naroon na ako sa tabi niya.
“What are you looking at?” tanong ko na kinagulat niya.
“Andiyan ka na pala. Going home? Wala ka na bang pupuntahan?” pag-iiba niya ng usapan matapos niyang nagmadaling iligpit ang mga binuklat niya. Natawa ako ng bahagya.