"Tingnan mo oh, ang ganda. I'm sure kapansin-pansin ka na naman mamaya!"
Ngiting-ngiti siya Cassidy habang pinagmamasdan ang mini black dress na pinadala ni Mommy sa 'kin. Pagdating ko may gan'yan na dito sa office.
"Cassidy, will you stop staring like that, Do’n ka sa labas at samahan mo sila Dina."
Tinapunan ko lang siya ng tingin at nagtuloy na ako sa pagbabasa ng mga nakahaing papeles sa harap ko.
"O sige, pero I assure you, magkaka-boyfriend ka na sa ganda mo mamaya."
Sinamaan ko siya ng tingin pero napangiti lang siyang binabalik sa paper bag ang dress.
"Boyfriend? Eh, ni ibang kaibigan nga wala." Tss...
"Wala ka bang nagugustuhan? ha, Queenie?" Lumapit siya sa 'kin habang tangay-tangay ang paper bag.
"Wala." Binalik ko na ang paningin ko sa lamesa.
"Gusto ko nang magka-boyfriend ka..."
The hell!? Kusang tumaas ang isa kong kilay sa kanya.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko gusto ko nang---"
"That will never happen," saka ko pabagsak na binaba ang hawak kong ballpen at sumandal sa swivel chair.
"Bakit naman? Nasa tamang edad ka naman na."
Inikutan ko 'to ng mata, "Tingin mo gusto nila Daddy ‘yun? Baka kahit may asawa na 'ko ipasama ka pa sa ‘kin." Sarkastiko kong sabi, "Oo nga pala, boyfriend nga wala eh asawa pa?"
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko, "Pero, pwede ko na ba itanong ‘yung nangyari the other day?"
Nangunot ang noo ko, changed topic, huh?
"Wala, Cassidy." Saka ko tinuloy ang ginagawa ko.
"Ano ngang mayro’n sa abandunadong lugar na ‘yun? Kasi... you looked scared that time."
Naalala ko na naman ang nangyari na 'yun, I swear ayoko nang maulit pa 'yun.
"May pinatay na lalaki, and... nakita ako no’ng killer." Tulala kong sabi, inaalala kung gaano ka-nakakatakot ang pangyayaring 'yun.
I heard her gasped, "Sabi ko sa 'yo ‘wag ka na kasing lumapit do’n eh!" Kumunot pa ang noo niya, "Nakakatakot, baka ma-tiyempuhan tayo."
Hindi na 'ko sumagot. Napailing nalang ako at binalik ang atensyon sa mga papeles.
Hindi lang 'yun eh... isama mo pa yung kagabi, Para akong minumulto.
Pagkatapos ng ilang oras ay nag ayos na kami para umalis. Nasa labas na 'ko nang may makalimutan-- 'yung susi ng kotse ko, wala kasi sa bag kaya sinabihan ko ang kasama.
"Cassidy, nakalimutan ko ‘yung susi ko sa table, could you please get it for me?" Pakiusap ko sa kan'ya.
"Okay!" Saka siya pumasok uli sa loob.
"You‘re the daughter of King Xander La fuente?"
Nagulat ako nang may magsalita. Nakita ko ang lalaking nakasandal sa sasakyang kulay itim na nasa gilid ko at nakapamulsa.
"None of your business." Sino ba 'to? Tinalikuran ko siya at iikot na sana sa kabila pero nagsalita siya.
"You’re my business."
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Mystery / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...