SPOKEN POEM #4

120 0 0
                                    


"Patuloy na umaasa"

-

Hanggang kailan?
Hanggang kailan ba ako dapat maghintay?
Hanggang kailan ba ako aasa?
Umasa sa mga huling salita mo bago ka nawala
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ba ako magtitiis?
Hanggang kailan ko ba itatago itong hinagpis?
Hinagpis na dulot ng mga pambabalewala mo
Hinagpis na dulot ng walang kasiguraduhang pagmamahal ng puso mo.
Puso mong walang ibang alam kung hindi ang paniwalain ako.
Paniwalain sa mga pagpapakitang gilas mo na aakalain mong totoo.

Kailan kaya?
Kailan kaya iyong oras na makakaramdam ka na?
Kailan kaya iyong oras na masasabi kong hindi ka na manhid tulad ng iba?
Kailan kaya?
Kailan kaya dadating sa puntong magigising kana sa reyalidad na hindi na siya?
Na hindi na siya ang laman ng puso't isipin mo
Na ako na ang mahalaga kahit alam kong di ko mapapantayan ang kaligayahang naibigay niya sayo

Kailan kaya?

Kailan kaya darating ang panahon na matitigil na din ako sa pagpaparamdam na mahal kita?
Kasi ang sakit sakit malaman na pangalawa ka lamang sa puso't isip niya
Kailan kaya?
Kailan kaya mapapagod itong puso kong patuloy pa ring umaasa?

Tugma, Sukat At TanlinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon