Naomi.
Lumalapit yung lalakeng tumitingin kanina sakin ng masama. Sino pa ba, edi si Ashton. Bakit ba tingin ng tingin to saakin?
"Naomi." Tangina, ano trip nito?
"Ano?" Tanong ko. Bigla niya lang ako hinila at dinala kung saan saan.
"Teka! Hoy! Di pa ako nakakain!" Bigla niya naman ako binitawan. Kinuha niya yung pagkain ko sa table at hinatak ulit kung saan saan. Tumingin ako sa table namin.
Si Cheska na nakanganga, Si Kaye na tumatawa tapos si Kevin na di pa rin nagets kung ano nangyare. Tanginang Rodriguez na to!
"Bitawan mo ko! San mo ko dadalhin?!" Tinatry kung kumalas sa kapit niya pero di talaga. Aishhh!
"Bwiset! Sabing bitawan ako eh!" Ngayon, madaming estudyante na nagbubulungan at nakanganga.
"Shut up or I'll kiss you!" Yan yung sinabi niya na ikinagulat ko at ng lahat. Di na lang ako umangal pa. Baka mapupunta pa to ang first kiss ko sa mokong na ito. Tangina.
Pagkatapos akong hatakin, pinaupo ako sa isang bench. In fairness, maganda yung pinuntahan namin. Pero aish! Sumasakit pa din yung ulo ko dito!
Tumitingin tingin lang ako sa paligid hanggang binigay niya yung pagkain ko.
"Kumain ka." Umupo siya sa tabi ko. Kagaya nga ng sinabi niya, kumain ako.
"Bakit mo ako dinala rito?" Sabi ko habang kumakain
"Trip lang"
"Trip lang?! Hinatak mo ako tapos trip lang?! What kind of explanation is that?"
"Manahimik ka na lang dyan at ipagpatuloy ang pagkain mo."
---
Bitin ba? Sorry. May isa pa akong book na inaupdate.
Fight For Love (BTS FF) <- Check it out kung gusto niyo
Mahal ko kayong lahat :*
-missaliauthor
BINABASA MO ANG
Our Love Story
Teen FictionTatlong lalake. Tatlong babae. Met each other in an unexpected time. From enemies to friends. unexpected people, unexpected twists. "This is Our Love Story."