Unang Kendeng

74 3 4
                                    

Sa loob ng isang mataas na gusali, may mga atribidang mga empleyado ang todo tsismisan sa gitna ng kanilang mga trabaho na kala mo'y tambayan lang ang kanilang opisina ...

"Alam mo bang masama daw ang ugali ng boss dito?" ani ng babaeng magaabot na ang kilay at anit na tuloy pa rin sa pagdodrawing ng kanyang kilay.

"Hindi ko knows e, pero ramdam kong anak ni satanas yun, sa araw araw ba namang pag labas ng Sekretarya niyang luhaan at paulit ulit na pinapagawa yung trabaho e." sagot naman ng babaeng parang sinapak ng paulit-ulit ang muka dahil sa nagwawalang blush-on nito sa pisngi.

"Naku, kung ako yang sekretarya niya matagal ko na siyang  sinabunutan at sinipa palabas ng opisina niya." pag-gatong ng huli at sabay na nagtawanan ang dalawang hinayupak na empleyado.

"HAHAHAHA----"  natigil naman ang tawanan ng dalawa ng may magsalita mula sa kanilang likuran.

"Alam niyo rin bang kayang kaya ko kayong sipain palabas ng building na 'to at tanggalan kayo ng trabaho anumang oras ko gustuhin?"

"Ma'am Sandy mag--"  pagbawi ng dalawang gulat na empleyado.

"Good morning to you too." Sarkastikong sambit ni Sandy na may mga mala-demonyong ngiti sa kanyang mga labi.

Agad namang nakuha ng dalawa ang inasta ng kanilang boss kung kaya't agad silang bumati rito.

"Good morning Ma'am Sa--"

"You're Fired."

"P--p-po?" sabay at di makapaniwalang sabi ng dalawang empleyado.

"Tag-ubos ba ng cotton buds sa inyo? I said You're fired. YOU ARE BOTH FIRED!"

"P-pe-pero Ma'am--"

"Do I need to repeat myself AGAIN? Get out of my sight!" 

Naiiyak na nilisan ng dalawa ang departamento at patay malisyang humarap si Sandy sa mga nakatinging empleyado dahil sa senaryong kanilang nasaksihan.

"What? Get back to work."

Dire-diretsong naglakad si Sandy gamit ang kanyang pamatay na pulang stiletto heels papunta sa private elevator na siya lang ang maaaring gumamit sa gusaling iyon

"Prepare my car, I'll be there in two minutes." Pagtawag ni Sandy sa kanyang cellphone at walang hinintay na sagot at agad na binabaan ito.

Sandra Andromeda Navirgin o mas kilala sa Sandy Navirgin ng iba't ibang kumpanya sa larangan ng Business Industry. Half Virgin, Half Oil este... Half Filipina Half Demonyita ang pagkakakilala sa kanya kung kaya't binansagang Sandymonyo ng kanyang mga empleyado dahil sa ugali nito sa loob ng opisina. Magaling at kamangha manghang CEO ng Labing-apat na kumpanya na kanyang hawak at siyang anak ng pinakamayamang Business Tycoon sa bansa na si Mr. Dick Navirgin. Namuhay ng malayo sa ama at walang ina. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty and the BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon