Wish That You'll Be Mine [One Shot]

157 6 3
                                    

Di ko malaman kung ano nga ba ang dahilan.

Basta naramdaman ko nalang 'to nang biglaan.

Ilang linggo pagtapos ng pasukan kita napansin. Nug una kitang makita nalaman kong ang kyut mo pala. Napangiti pa nga ako noong makita kita.

Noong recess na dun ko lang napagtanto. Kamukha mo pala ang Idol ko. Kamukha mo lang naman ang isa sa paboritong mang-aawit ko.

Nang dahil doon nakaramdam ako ng biglang pagbilis ng tibok nitong aking damdamin. Mahirap sabihin sayo kaya sa apat na pinagkakatiwalaan na aking kaibigan ko muna sinabi iyon.

Hindi dahil sa ayaw kong malaman kundi dahil sa ayaw kong mapalayo sayo.

Tayo'y naging magkaibigan. Nagulat na lang ako ng nagtext ka sakin. Hindi alam kung paano mo nakuha ang cp no. ko. Kinukulit mo pa nga ko tungkol sa theatro natin. Gusto mo kasing magpalibre.

Lalo tayo naging magka-close nun. Nag-umpisa dun yung kulitan natin.

*ARAW NG THEATRO*

Nandun kami sa harap nakapuwesto kasama ng mga kaibigan kong babae. At hindi ko alam kung saan ka nakapuwesto. Maganda ang naging takbo ng kwento at na-enjoy ko yung palabas sa theatro. Ang dami pa nga nagtitilian dahil gwapo yung gumanap na leading man.

Madami ring nagreklamo dahil bitin daw kase kapag kising seen na biglang pinapatay yung ilaw. Nako pati ako nakitili dun.!!!! :D

Pagtapos ng theatro nilibre kita. Dahil sayang din yung effort mo dun kung babaliwalain ko lang. Mabaet naman ako eh... 

Nung nalibre kita nagkalayo na tayo.

Ikaw sa mga kaibigan mong lalaki sumama at ako naman sa mga kaibigan kong babae sumama.

Nasiyahan ako sa araw na'yon. Naglaro kami ng mga kasama ko.

Pero naisip ko din na pa'no kaya kung kasama kita, mas lalo pa kaya ako mag-eenjoy?

*********

Lumipas ang mga araw na lagi na tayong nagtetext. Araw-araw nakong may load para lang mareplyan ka. Halos buong araw na nga ang tinatagal ng pagtetext natin eh.

Hanggang sa natuto akong magpuyat sayo. Kumulit nadin ako sa skul. Halos iba na talaga ko nun dahil halos sayo nalang umiikot ang mundo ko.

Naglokohan narin tayo sa text. Nagtatawagan tayo ng kung anu-ano.

Pero habang tumatagal mas lalo akong na-iinlove sayo.

Dumating yung time na nagkaaminan na tayo. Nahihiya ako nun sayo. Hanggang sa nalaman ng klase natin at nagkaroon pa tayo ng love team.

May  time na nagkaka-ilangan o nagkakahiyaan at nagkakatampuhan. Pero dati naman nasosolve pa natin mga problema. Ngayon ewan ko na......

Nagulat na lang ako ng isang araw hindi mo nako pinapansin. Pinagtutulakan tayo ng mga kaibigan mong lalaki na naging kaibigan ko nadin. Pero lumalayo tayo sa isa't-isa.

Lumipas ang mga araw na walang pansinan. Puro iwasan, namimis ko na nga yung ating kulitan.

Maraming hadlang sa ating dalawa. At ang masaklap dun ay isa sa mga kaibigan ko pa. Mga kaibigan ko na una kong sinabihan ng pagtingin ko sayo.

Pilit nila kong nilalayo sayo. Sinusunod mo ang utos nila. Pinapares ka kasi sa kanya.

Buti na lang at may nagpapalakas ng aking loob. Mga kaibigan ko ngayong panay suporta sakin.

Ipapaubaya ko nalang ba sa tadhana? Matagal na kitang minamahal.

Alam kong mahirap magparaya. Siguro nga'y dito na nagtatapos ang love story natin.

At sa huling iyon ay may handog akong hiling:

I wish that you'll be mine.

[A/N: Pa-vote po. THANK YOU READERS AND VOTERS!!!!^_______^]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish That You'll Be Mine [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon