Epilogue

12.9K 179 37
                                    

" Magigising din siya. " Napatigil siya sa pag iyak ng marinig ang boses ni Blake sa likod niya. Nakilala niya ang lahat ng pinsan ni Nick dahil lagi itong dumadalaw sa binata. Pati narin ang nanay nito ay nakilala niya nadin.

" Sana nga. " Garalgal ang boses na sagot niya habang sinusuklay ang buhok ng binata gamit ang mga daliri niya. " Sana bukas gising na siya. " Dagdag pa niya.

" He'll be okay soon. " Dagdag pag nito. Sana nga. Dahil nakakapagod ang mag hintay sa taong may taning na ang buhay , sa taong makina nalang ang nag bubuhay.

" Rest room muna ako , huhugasan ko lang tong towel para malinisan ko na siya. " Pag papaalam niya kay Blake at tumango naman ito. Lumabas siya ng kwarto tsaka dumiretso sa banyo ng ospital. Habang hinihugasan ang towel ay hindi niya mapigilan na umiyak.

Bakit kasi kailangan pang mangyari saknya ito. Bakit kailangan pang humantong sa ganito , yung tipong nag hihintay sa wala. Unti unti na siyang nawawalan ng pag asa na mabubuhay pa ito.

" Kaya ko to' " Aniya habang nakatingin sa salamin. " Kakayanin ko to. " Ngumiti siya sa salamin at pinahid ang sariling luha. Nilagyan niya ng tubig ang dala dalang maliit na bowl atsaka nilagay duon ang towel. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng banyo.

Habang nag lalakad siya pabalik sa kuwarto Nick ay naka salubong niya ang ina nito na parang nag mamadali sa pag lalakad.

" Madi? What are you doing here? I thought you're with Nick. " Anito. Ngumiti siya at umiling.

" Kumuha lang po ako ng pamunas para sa kanya. " Sagot niya. Umiba ang timpka ng mukha nito at parang nagulat pa sa sinabi niya.

" Pumunta lang ako dito para dalhin ka ng mga gamit at binilhan na din kita ng mga prutas. " Sabi nito habang naka ngiti. Ayaw niya namang sirain ang masayang mukha nito kaya sinuklian niya nadin ng munting ngiti ang ginang.

" Thank you po, di niyo naman po kailangan pang gawin yan. " Nahihiyang saad niya.

" Ano ka ba, okay lang, ilang araw kana diti at halos nangangayayat kana. Alam mo namang bawal kang mag kasakit diba. " May pag aalalang sabi nito. Tinanguan lang niya ang ginang at saka sila sabay na nag lakad patungo sa kwarto kung saan naroon si Nick.

" Alam mo ba, akala ko walang tatanggap na babae sa anak ko , akala ko habang buhay na siyang magiging mag isa sa buhay kaya nag papasalamat talaga ako at dumating sa buhay niya. " Nakangiting sambit ng ginang habang naka tingin sa nilalakaran nila.

" Ako din po , akala ko po hindi na po ako mag kaka gusto sa mga lalaki dahil yun po ang pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako mag mamahal pero kinain ko lang po lahat ng sinabi ko iyon , when the first time i saw your son, ang unang salitang bumuo sa utak ko ay ' Siya na '. Hindi ko alam kung paano ako nag kagusto sa anak niyo. " Natatawang kuwento niya.

" He has a sinful body that's why. " Natatawang sagot din nito sa kuwento niya. Tama. Naakit naman talaga siya sa katawan nito kaya hindi maganda ang una nilang pag kikita.

Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng kwarto ni Nick ay nakarinig siya ng pamilyar na boses na tumatawa at agad  siyang kinabahan. Parang may kung anong lumundag sa dibdib niya.

Tinignan niya ang una nito na nanunubig na ang mga mata.

" Ma? Are you okay? " Kinakabahang tanong niya. Hinawakan ng ginang ang pisngi sabay nguniti.

" This is it, madison. " Malayang nakawala ang mga luha nito at agad naman iyon nawala. Kinuha ng ina ni nick ang dala niya. " Pumasok kana. " May munting ngiti sa mga labi nito

Dahil sa iba't ibang emosyon ang nararamdaman niya ay hindi niya na napigilan ang mga luhang gustong gusto ng kumawala sa mga mata niya. This can't be happening. Is this for real? Ow god! Thank you!

Wet The Bed 1: Nicholas HeochlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon