Sa araw-araw na pamamalagi ko sa mundo, hindi na bago sa akin ang makatagpo ng taong nawiwerduhan sa taong kumakausap sa akin.
Ang akala nila baliw. Pero hindi. Yes, nakakausap nila ako kahit na ganito ako. Lalo na 'yung may abilidad na makakita ng multo.
And yes! I'm a ghost! Ghost physically, and human emotionally. Pero di nila iyon alam.
Ilang taon na rin akong naghahanap ng tao na hindi ako tinatakbuhan after nila ako makita o makausap. Maganda naman ako. Magandang multo.
Pero alam mo, wala akong nahanap. But still, I won't let my hopes go down. Gusto ko pang bumalik! Balikan yung mga taong importante sa akin.
Kasalukuyan akong nagmumukmok dito sa bench ng park ng 7Up Subdivision. Nagbabakasakali na may mahanap ako dito. Sa ibang subdivision kasi wala.
“Uy brad! Kita mo 'yon? Ang sexy!”
May narinig akong paparating. Mga lalaki. Habang papalapit na sila sa pwesto ko, napansin ko yung isang lalaki na nasa hulihan nila.. Ah, pano ko ba sya idedescribe? Matangkad, maputi, medyo chinito rin tapos ang tangos nung ilong.
May dala siyang bola. Nakalagpas na sa akin yung mga kabarkada niya, pero siya huminto. Nagulat ako nung lumingon siya sa direksyon ko.
‘Another ghost. Tch. Bat ayaw nila ako lubayan?’
Na.. Nakikita niya ako!? Kung may maigugulat pa ako, siguro yun na yung reaksyon ko ngayon. Napatayo ako bigla, at bilis na tumayo sa harap niya.
“Nakikita mo ako!?” gulat kong tanong sa kanya.
Bahagya siyang sumilip sa likod ko saka sya nagsalita.
“Oo nakikita kita. Wala kang mapapala sa akin. Kaya kung ako sayo, hahanap na ako ng ibang mumultuhin.”
Tsaka niya ako nilagpasan. Nalungkot naman ako dun sa sinabi niya. Uupo na sana ulit ako, at maghihintay na may dumaan pero may naalala ako.
The way he talk, wala akong naramdaman na takot. He casually talk to me at umalis ng walang katakot-takot. Hindi naman ganun ang iba.
Kailangan kong puntahan si Aling Muning.
Mukhang may natagpuan na ako..