6 ❤ AKO ❤
___ ___ ___ ___ ___
❤ JOAQUIN'S POV ❤
___ ___ ___ ___ ___
Pupuntahan ko si Cristina dahil may sasabihin ako sa kanya. Pinayuhan nga ako ni Alexa na dapat ko nang sabihin ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Duda ko e, alam niya naman diba? Para san pa’t sinabihan ko na siya kagabi na liligawan ko siya.
Pagkatapos ng taping namin para sa upcoming film fest ng college namin, agad na akong umalis dahil hahanapin ko pa sana siya. Grabe nga e, ako ‘yung lalakeng bida tapos si Alexa ‘yung babaeng bida. Kakatapos lang naming i-shoot ang pinaka panghuling eksena—‘yung eksenang magtatapat ‘yung lalake ng nararamdaman niya at ganoon din ang babae.
Sana nga lang, ganoon din ang mangyayari sa amin ni Cristina.
Nasa isang building na ako kung saan sobrang tahimik. Wala naman sigurong classes dito kaya dito na ako dumaan. Hanggang sa nakarinig ako ng boses ng dalawang tao na nag-uusap.
“Hindi ko kaya kasi ang sakit sakit ng nakikita ko. Gusto ko siya, pero bakit niloko niya ako…” teka—parang pamilyar ang boses na ganon ah. Alam kong boses niya ‘yon… boses ni Cristina.
Sinundan ko ‘yung pinagmumulan ng boses hanggang sa umabot na ako sa stairs papunta sa second floor. At dun ko nalamang may kausap si Cristina na ibang lalake.
Sinilip ko silang dalawa at nakita kong umiiyak si Cristina habang niyayakap ang lalakeng kausap niya. Hindi ko magawang pigilan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang durog na durog na ang puso ko sa nakikita ko ngayon.
“Shh. Cristina, andito lang ako. Tahan na..” sabi nung lalake.
Kung pwede lang, ako na lang sana ang kayakap mo ngayon. Kung pwede lang angkinin lahat ng masakit na nararamdaman mo Cristina, gagawin ko ‘yon. At kung pwede lang.. sana ako na lang ‘yung taong gusto mo. Ipapangako kong hinding hindi kita sasaktan gaya ng ginawa niya.
___ ___ ___ ___ ___
❤CRISTINA’S POV ❤
___ ___ ___ ___ ___
Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob kanina, agad na akong umuwi. Hindi ko na rin hinintay si Patricia. Buti nga, hinatid ako ni Dom. Ayun, medyo nawala ‘yung sakit na nararamdaman ko. Masaya rin ako kasi pinakinggan niya ako hanggang sa maging okay na ‘yung pakiramdam ko. Grabe naman talaga si kupido e, hindi ko inasahang si Joaquin ang tatamaan niya.
Si Joaquin na may mahal na iba.
Si Joaquin na hindi ko na pwedeng mahalin.
Nasa bahay na ako at nakahiga lang ngayon sa kama. Gustong gusto kong bumangon pero tinatamad ako. Siguro, wala talaga akong gana. Grabe talaga ‘yung nakita ko kanina.. ang sakit sakit sa puso. ‘Yung parang gusto kong ako na lang ‘yung kayakap niya. ‘Yung sana ako na lang ‘yung babae. ‘Yung sana ako na lang ‘yung mahal niya.
Napaupo ako sa kama nang makita ko sa gilid ang notebook ko. At dahil fine arts din naman ang kurso ko, naisipan kong magdrawing sa likuran nito.
‘Yung eksena kanina, ‘yan ‘yung drinawing ko. Nasa itaas ng building silang dalawa magkayakap. Tapos ako, nasa ibaba tinitignan sila. Siyempre, kitang kita ‘yung lungkot sa mukha ko. Kitang kita ‘yung panghihinayang na nararamdaman ko.
It hurts seeing him from a far having the time of his life with her.
‘Yan ‘yung inilagay kong caption. At may dinagdag pa ako sa ibaba, “Ako na lang sana.. Joaquin..”
BINABASA MO ANG
Ikaw na na na na ♫♪♫ [Completed]
FanfictionTeka lang te-te-teka lang, mayron akong nakita. Pare ko pa-pare ko oh kay gandang dalaga. Sa sa-sandali at akin lalapitan ..♫♪♫ Na LSS ba kayo sa kantang 'yan?