"Pag-ibig na Nagsimula sa Buwan ng Mayo"

124 0 0
                                    

Ganito kasi yan, may simula ang lahat ng matamis at malagkit na pagmamahalan. Para sa akin, sa buwan ng Mayo ang naisip kong pinakatumpak na pagsisimula nito.

Mayo

 Uso ang piyesta, siyempre kapag piyesta uso rin ang kainan sa mga bahay - bahay na naghahanda at hindi imposibleng may makasabay kang dalagang namimista.Sa pasyalan naman gaya ng karnabal, maraming mga dalaga ang namamasyal at posibleng makakasabay mo sa pagsakay ng Ferris Wheel na kulungan, Mary Go round (Nasaan ba si Mary? o si Mary ba ang mga kabayo? Mary Grace, Mary Rose, RoseMary, Mary Mafet at iba pa?) at Horror Train na sa multicab. Sa madaling sabi, naghahanap ang puso natin ng tinitawag na "Spark" kung saan dito natin makikita at maramdaman sa malapiyestang mundo na puno ng spark este pag-ibig. At baka sakalye este sakali na makatagpo ka, malapiyesta na rin ang buhay mo, napakakulay at napakaraming taong kakilala mo sa iyong kabaitan. Ganun ang ma inlove laging namamasyal , kung nasa malayo atleast malayo - layo ang napapasyalan ng isip mo. basta yun na yun, diba may kantang First of May, Flores de Mayo (Flowers of May and its our thorns to catch flowers hehehehehe...) 

Hunyo

Pagkatapos mamasyal at mga pa impress na mga usapan eh di, magpapa - enrol na ang lalaki sa puso ng dalaga. Mas maaga ang aplikant sa araw na ito, mas preparado, walang kard at score sa entrans eksam sapagkat interbyu na diretso. Malaki ang kompyansa ng binata na tatanggapin siya sa puso ng dalaga. Sauladong-saulado ni dodong ang isasagot kapag may bibitawang salita ang ini-enrolan. Parang ganito " Bakit ka magpapa-enrol sa puso ko?" sagot agad si dodong "K-ka-kasi sa tingin ko may potensya po ako sa puso mo, masipag at mapagkakatiwalaan po ako". So, ma-iimpres ang dalaga kapag may ganitong salita "Mapagkakatiwalaan". Ang costume pa ng binata malayo sa hitsura kapag nasa bahay lang siya, dito pusturang-pustura pero, alam na. Sa ganitong klase ng pagpapa-enrol, minsan matatagalan pa bago malaman ang resulta ng aplikasyon pero dahil sa teknolohiya kasimbilis narin nito ang pagkuha ng resulta. Lahat ng nag-iibigan dumadaan yan sa enrolment. 

Hulyo

  Pagkatapos makapag-enrol uulanin ng maraming txt ang selpon ng dalawang nagmamahal. Bago gigising kailangan magtext ng "Good Morning!" susuklian ito ng ngiti ng makakatanggap sabay reply. Bago magpananghalian etetext ang minamahal ng " Saan ka kakain?" halatang nagpaparamdam na kung pwede sabay silang kakain ng tanghalian, so, hihiwalay ang girl o ang boy sa mga kabarkada at minsan sasabay sa barkada sa isa sa nagmamahal depende kung sino ang magpaparaya. Pagka alas tres etetext ang minamahal na "nag-snak ka naba?" makikitang alagang-alaga ang kanilang relasyon na parang gulay lang ang peg, kailangan preskong -presko sa mga pag-aalala. Ang bawat salita'y puno ng sustansya na nakapagpapalakas sa relasyon. Walang halong preserbatibs at artipisyal ang bawat kataga, halatang purong-puro ang bawat pagsinta. Isang makulay na buhay na ang paligid - ligid ay puno ng linga, mga tagpong umakda sa romantikong jingle sa buhay ng napakanutrisyus na relasyon.

Agosto

 Palitan pa rin ng mensahe ang magkasintahan sa buwan na 'to, dito masusukat ang sinsiredad ng bawat isa. Pagkatapos magpalitan ng text sa buong magdamag, sa kanilang pagkikita mag-uusap na naman kung ano ang nangyari sa mga panahong hindi pagkikita (kahit halata namang walang ginawa ang kundi magtetext sa isa't isa). Ang bawat paksa ng usapan ay napatutungkol sa wika ng puso, yun ay ang "pag-ibig". Sa Bawat talumpati ng sinisinta'y nakatunganga ang isa, tila mambabalagtas ang mga galaw ng kamay na pinagdidiinan ang bawat pilosopiya't prinsipyo sa buhay nila. Sa gitna ng pag-uusap at pagdidiskurso may biglang tatahimik, natamaan pala siya ng prinsipyong maaaring maging dahilan ng pag-aalsa laban sa sinisinta. Ang pagsasalubong ng magkaibang prinsipyo'y naging mitsa sa kagitingan ng dalawang panig, walang magpapatalo, palaban at makikibaka sa kanilang pananiniwalaang tama. Sa himagsikan magtatapos ang pagkikita ng magkasintah, pawang may itinatago, puro sagisag at simbolo ang hirit ng bawat kampo. P-p-paano na 'to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Pag-ibig na Nagsimula sa Buwan ng Mayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon