RUNAWAY PRINCE
"HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYRAI SA NAKARAAN KO PERO KUNTENTO NA AKO SA KALAGAYAN KO NGAYON."
"LAKI AKO SA HIRAP, ANAK AKO NG KATULONG AT LABANDERA. HINDI AKO NAKAPAGARAL AT WALA AKONG MASYADONG ALAM SA BUHAY PERO GUSTO KONG MATUTUNAN ANG MGA BAGAY DITO SA MUNDO."
Siya si Johann, anak ng mahirap na magasawa na sina Romel at Eden. Ngunit ang di niya alam na nadampot lang siya ng kanyang mga tumatayong mga magulang. Siya ay isang anak ng isang mayaman na hari.
(PAST)
Mayroong isang napaka bait na hari, ang pangalan niya ay Sergio. Mayroon siyang dalawang anak na lalaki si Frederico at si Leonardo (o kilala na sa pangalang Johann). Namumuhay sila sa payapa ngunit nang matapos ang digmaan, inakala nilang patay na si Leonardo kaya't kanila na lang pinalaki ang panganay na si Frederico.
Mataas ang pangarap ni Leonardo para kay Frederico. Sa kasalukuyan, pinagaaral niya ito sa isang pribadong paaralan na kung saan nagbibigay ng mgandang kalidad ng edukasyon at standards. Pangarap ng Hari na maging isang matagumpay na tao sa susunod pang panahon.
Natagpuan si Johann na walang malay sa gitna ng kagubatan, kung saan nakita siya ng magasawa at idinala sa siyudad upang siya ay palakihin. Laki man siya sa hirap at layaw ngunit hindi siya tumigil sa pagpupursigi.
Isang araw, nakatanggap ng scholarship sa isang pribadong paaralan. Ito ay ikinatuwa ng kanyang mga magulang, nagsimula na siya sa kanyang pag-aaral at sa panibago niyang pakikipagsapalaran.
At dito magsisimula ang istorya.
(UNANG YUGTO)
Pumasok sa paaralan si Johann ng walang kaalam-alam. Hindi niya alam kung saan ang classroom, kung saan ang school cafeteria at ang iba pang parte ng paaralan. Ngunit nakilala niya na ang di niya inaakalang kapatid niya, si Frederico. Sa sobrang bait ni Frederico ay nagbigay siya ng gabay sa kanya sa buong paaralan. Nagpasalamat sa kanya si Johann.
"Siya nga pala, ano ang pangalan mo?? Namumukhaan kasi kita." biglang mungkahi ni Frederico. "Ako nga pala si Johann. Pasensya na, scholar lang kasi. Alam mo na, laki ako sa kahirapan." biglang pakilala ni Johann kay Frederico.
"Ah, sige, thank you nalang." pasalamat ni Frederico at lumakad na palayo.
"Namumukhaan niya ako??" sabay tanong ni Johann sa sarili.
"Bakit kaya ang gaan ng loob ko sa kanya??" tanong ni Frederico sa sarili.
Biglang nagbell. Nagmamadali na ang mga estudyante sa pagpasok sa kani-kanilang mga classroom. Ito namang si Johann ay dali-dali na ring pumasok sa kanilang classroom. Sa pagmamadali, nabangga niya ang isang babae. Nahulog ang mga kagamitan ng babae at nagkalat sa sahig.
"Pasensya na, hindi ko sinasadya." sambit ni Johann.
"Hindi, okay lang. Alam ko naman na nagmamadali ka." sabi ng babae.
"Pasensya na talaga, tutulungan na lang kita." sabay singit ni Johann.
"Wag na, pumasok ka na. Unang araw mo dito, baka malate ka pa." biglang sagot ng babae habang dinadampot ang mga kagamitan niya.
Dali-dali nang tumakbo papunta sa kanilang classroom si Johann.
(Kaharian)
"Magandang umaga, mahal na hari." bati ng tauhan ng hari.
"Oh, naparito ka. Anong nais mo??" tanong ng hari.
"Mahal na hari, maaring hindi pa patay ang iyong anak na si Leonardo..." biglang sambit ng tauhan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ng hari.
(FLASHBACK)
Nabangga ni Johann ang tauhan ng hari at nahulog niya ang mga gulay at nagkalat sa lupa. Sabay din nahulog ang isang litrato sa kanyang bulsa.
"Pasensya na po." sambit ni Johann sabay dampot sa mga gulay at dali-daling umalis. Nakalimutan niyang damputin ang litrato niya. Dinampot ng tauhan ng hari ang litrato at biglang nagulat.
"Ito ang....." sambit niya.
(TAPOS NG FLASHBACK)
"Nakita kong hawak ng isang binatilyo ang litratong ito." sabay sagot niya at ipinakita niya ang litratong kanyang nadampot. Nagulat ang hari at sabay naghain ng utos sa kanya.
"Lucas, iuutos ko sa iyo ang isang mahalagang misyon. Hanapin mo ang batang nagmamayari ng litratong iyan at dalhin mo siya sa akin" utos ng hari
. "Opo, mahal na hari." sagot ni Lucas.
"At dapat walang makaalam na iniutos ko ito sa iyo. isa lamang itong sikreto, maliwanag??" tanong ni Lucas.
Umoo si Lucas at umalis na sa kaharian.
Muling nagring ang bell.
Dali-dali ang mga estudyante patungo sa cafeteria.
Nasalubong ni Johann ang babaeng nabangga niya kanina.
"Ikaw yung....." sambit ng babae.
"Ako nga pala si Johann, ikaw anong pangalan mo??" tanong ni Johann.
"Ako?? Ah, ako si Bridgette. Nice to meet you." sagot ni Bridgette.
Iniabot ni Bridgette ang kamay niya kay Johann.
"Ano iyan??" Tanong muli ni Johann.
"Shake Hands. Hindi ka ba marunong??" sagot ni Bridgette.
Nakipagkamay si Johann kay Bridgette.
(IPAGPAPATULOY MULI....)