CHAPTER SEVENTEEN
Hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si YZ sa natuklasan. Halos hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil kay Jamie.
Yung bigla nitong pagyayaya sa kanya. Yung pagtutok nito sa kanya ng baril at sa taong kausap nito. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, si Jamie pa? Yung taong gusto pa niya. Ano'ng kasalanan niya dito? Ano'ng motibo nito? Bakit siya nito gustong patayin. Imposibleng isa ito sa mga ex niya noon. Dahil imposibleng makalimutan niya ang mukha nito.
Mukhang tama nga ng hinala si Mindy. Pero may part pa rin sa kanya na ayaw niyang maniwala.
"Yz!" Pukaw ng isang malakas na boses. Nagulat pa siya ng may tumapik sa kanyang balikat. "Ayos ka lang ba?"
Napatingin siya kay Trey at marahang napailing. "Bakit?"
"'Tol, kanina pa namin napapansin na malalim ang iniisip mo. Care to share?"
"May problema ka ba?"
Ngumiti siya ng pilit. "May iniisip lang ako."
"Ano naman ang iniisip mo?"
"Ang dapat niyong itanong, sino." Ani Blaze na kararating lang. Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya. "
Nagtawanan ang mga ito, siya naman ay pangiti-ngiti lang.
"Hi, Guys. Pwede ko bang hiramin si YZ?"
Natigil ang tawanan. Napalingon siya kay Mindy na nakangiting nakatayo sa kanyang likuran.
Akmang tatayo siya ng may nagsalita ulit. "Hindi pwede."
Nanigas siya sa kinauupuan. Kilalang-kilala niya ang boses na yun. Hindi siya pwedeng magkamali.
"At bakit?" Tinaasan ni Mindy ng isang kilay si Jamie.
"Haba ng hair mo, 'tol. Ikaw na si Sadako." Pabulong na biro ni Blaze sa kanya.
Mahina niya itong siniko.
"May lakad kami ni YZ ngayon. At sa akin siya sasama."
Naghiyawan ang mga gunggong niyang kaibigan.
"Ako ang nauna, kaya sa akin siya sasama." Dumikit sa likuran niya si Mindy.
"Wala akong pakialam. Sa akin siya sasama." Bumaling si Jamie sa kanya. "Right, YZ?"
"Ahm..." Hindi siya makatingin dito ng deretso. Nakakatakot ang paraan ng pagtitig nito. Naiinis siya dahil naiipit siya sa dalawang babae.
Hinawakan siya sa balikat ni Mindy. "See? Sa akin siya sasama."
Lumapit sa kanya si Jamie at walang sabi-sabing hinatak siya patayo. "Sa akin." Nakangiti ngunit madiin ang pagkakasabi ni Jamie. Hinawakan ni Jamie ang mukha niya at pinaharap siya dito. Tinitigan siya nito ng masama na para bang sinasabing, papatayin kita kapag hindi ka sumama.
Napanganga siya. Hindi dahil sa natatakot siya rito kundi dahil sa isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila.
Kapag sumama siya kay Mindy baka bigla na lang bunutin ni Jamie ang baril nito na nakatago sa ilalim ng palda nito at baka hindi pa sila nakakalabas ni Mindy ay bigla na lang siyang bubulagta sa malamig na semento.
At kapag kay Jamie naman siya sasama, tiyak na mapapadali ang pagkamatay niya.
"Ahm.." Tumingin siya kay Mindy. "I'm sorry, Mindy. Kahapon pa kasi nagyaya si Jamie."
Tumalim ang tingin ni Mindy kay Jamie ngunit nakangiti itong bumaling sa kanya. "It's okay, YZ. Marami pa namang bukas."
"Tara na." Hindi na siya nakasagot dahil hinila na siya palayo ni Jamie. Nakakapit ito sa isang braso niya.
"Jamie! Wag mong ibabalik na chop-chop si Yz ha!" Narinig pa nilang sigaw ni Speed. Kasunod ang malakas na tawanan ng kanyang mga kaibigan.
I think, I made a right choice.
****
"Last supper ko na ba 'to?" Pabirong tanong niya kay Jamie nang dumating ang order nila. Nagtataka siya dahil marami itong in-order kahit dadalawa lang sila.
"Bakit?" Ganting-tanong nito.
"Ang dami kasing pagkain. May hinihintay ba tayo?" Tanong pa niya.
"Wala." Tipid na sagot nito.
"I-take out na lang natin ang iba. Sayang naman."
Tumingin ng masama sa kanya si Jamie. "Pwede ba tumahimik ka. Nagugutom ako, baka hindi ako makapagpigil, mapatay kita dito."
Natahimik naman siya. Nagsimula na itong kumain.
Ilang minuto ang lumipas nang mag-angat ito ng tingin.
"Hindi ka ba kakain?" Takang-tanong nito. Napansin siguro nitong hindi niya ginagalaw ang pagkain.
Ngumiti siya at umiling. "Makita lang kita, busog na ako."
Bigla itong nabulunan. Mabilis siyang tumayo at lumapit dito. Inabutan niya ito ng tubig na mabilis naman nitong tinanggap.
"Ayos ka lang ba?" Hinaplos niya ang likod nito.
"I'm fine. Bumalik ka na sa upuan mo."
Agad naman siyang sumunod.
"YZ."
Tumingin siya kay Jaime. Parang ang lambing ng tono ng boses nito. "Bakit?"
"Bakit sumama ka sa akin? Alam mo namang anumang oras pwede kitang patayin."
Ngumiti siya ng mapait. "I don't know. I feel safe when I'm with you."
Naramdaman niyang natigilan ito kaya tumawa siya. "Weird, right?"
Napansin niyang sumilay ang ngiti nito pero hindi ito umimik.
Palabas na sila ng restaurant. Hindi niya sukat akalain na ganun kalakas kumain ang dalaga.
Tumikhim siya. Gusto niyang malaman ang rason kung bakit siya nito gustong patayin. "Jamie, may gusto sana akong tanungin. Kung hindi mo mamasamain."
"Ano yun?"
"Bakit mo ako gustong patayin?"
Huminto ito at tumingin sa kanya. "Malalaman mo rin."
"Kailan mo ako papatayin?"
Nagkibit-balikat ito. "Saka na. Hahayaan ko munang makasama mo ako. Para naman kahit papano may dalhin kang maganda pag sumakabilang buhay ka na."
"Alam mo bang sinasaktan mo ako sa mga sinasabi mo?"
Umiling ito. "Hindi. Dahil wala akong pakialam sa nararamdaman mo."
"Ouch." Kunwaring hinawakan niya ang dibdib. "Ang brutal mo talaga."
"Ganyan talaga. Dapat masanay ka na."
"Minsan lang tayo mag-usap. Paano ako masasanay?"
Ngumisi ito. "Wag kang mag-alala, simula ngayon hanggang bukas at sa mga susunod pang bukas, sa akin ka sasama."
"But.."
"I don't take no for an answer." Putol nito.
"May magagawa ba ako?"
"Wala. At wag na wag kang sasama sa iba maliban sa'kin. Baka mapadali lalo ang buhay mo."
Tumawa siya sa banta nito. Mukhang alam na niya kung sino ang iba na tinutukoy nito. "Jealous?"
Umangat ang isang kilay nito. "Asa." Sumulyap ito sa suot na relo. "Aalis na ako. Marunong ka naman sigurong bumalik sa school, noh? Nakakahiya naman kung ihahatid pa kita." May halong sarkasmo ang boses nito.
"Of course."
"Good." Tumingkayad ito at hinalikan siya sa pisngi. "Bye." Kumaway pa ito bago naglakad palayo.
He froze.
What was that for?
_________
D E Y M Y U U
BINABASA MO ANG
Make Her Fall (COMPLETED)
Teen Fiction⚠ WARNING ⚠ Maraming mura ang story na 'to, kaya kung ayaw mong maging makasalanan, lumayas ka at maghanap ng ibang istorya. Marami ring bulgar na salita, kaya kung inosente ka at ayaw mong madumihan ang isip mo, wag mo na lang basahin. ____________