Flashbacks

28 2 0
                                    

Rane:

Ang sarap balikan ng mga ala-ala na ginawa ko habang kasama ko pa siya....

Hindi ko makakalimutan noong una ko siyang nakilala...

Flashback

" hahahaha bagay lang iyan sayo kase mukha ka naman talagang basura ewww! "
diring diri na sabi sa akin ng mga kaklase ko dahik sa kagagawan nila na itulak ako papunta sa basurahan at natapon ito sa akin, ng biglang may isang lalaki na dumarating papalapit kung saan ako naroon....

"hoy kayo! anong ginagawa niyo sa kanya?! "
asik niya kina Grace, Honey at Viviet na lagi akong pinagtitripan, sanay na ako tinitiis ko nalang minsan kase nagaaral ako sa pangmayaman na paaralan at scholar lang ako rito...

"ahh... k-kase yang pesteng Rane na yan eh! Ang kapal ng mukha na hindi kami pakopyahin ng assignments dba girls? "
pa-cute niyang sabi

"yeah right, tama un Papa Aries "
pag-sangayon naman ni Grace

"mga sira ulo kayo!! May sarili kayong utak! "
sigaw ni Aries sa kanila...

nang bigla kong mapansin na pinanlisikan ako ng mata ni Grace na leader ng grupo nila na pahiwatig lang neto na mas pahihirapan nila ako kinabukasan..

"tama na Aries nadapa kang ako eh tsaka may utang ako sa kanila kaya papakopyahin ko sila.. "
sabi ko sabay tayo...

"Rane wag kang pumayag na inaapi ka nila... hindi bebenta sa akin yang sinasabi mo... umalis na tayo rito .."
sabi niya sa akin sabay higit sa braso ko... at bago niya ako tuluyang inialis sa lugar na iyon nagsalita siya...

"Lahat ng mang-aapi kay Rane Rivera ako ang makakaharap ninyo tandaan ninyo iyan... "
matapos niyang sabihin ang katagang iyon naramdaman ko na ligtas ako...

End of flashback

Hindi ko maiwasan na mapangitu tuwing pumapasok sa isip ko ang pangyayaring ito
Pakiramdam?

Pakiramdam kona ligtas ako at wala nang mangaapi pa sa akin...

Ulila na ako at ganun din siya, kaya mabilis kaming nagkapalagayan ng loob at naging matalik na magkaibigan...

Napakarami na naming pinagsamahan noong magkaibigan kami kung iisa isahin natin ang mga ito tiyak ko na baka hindi na tayo matapos nalimutan kona nga ang iba eh pero ang mga mahahalaga ni hindi kailanman dumating sa punto na kalimutan ko ang mga ito....

Flashback

"Inaaway ka pa rin ba nila?? "
tanong sa akin ni Aries habang kumakain kami ng Street Foods sa Plaza malapit sa tinitirhan namin,

"Hindi na ayos na ako.. salamat ah kase lagi mo akong pinagtatanggol sa kanila... "
sabi ko sa kanya..

"wala yun malakas ka sa akin eh... "
tugon niya sabay ngiti...

"tara na uwi na tayo... marami pa ako gagawin eh... "
pagyayaya ko sa kanya...

"wag muna, saan mo ba gustong pumunta? Pasyal muna tayo... "

"Saan naman? "
tanong ko, eh taong bahay lang naman ako eh...

" Hmm... sa perya tayo, mau ekstra pa naman akong pera eh tara na.. "

bago pa ako makasagot hinugit na niya ako hanggang sa makarating kami sa perya..

Hindi kona maalala kung kailan ako huling pumunta rito kasama ang magulang ko...
Ngayon konakang ulit nakita ang mga ilaw na ibat iba ang kulay, mga rides na nakakawala ng problema at mga mukha ng masasayang tao na mau kanya kanyang ginagawa...

FlashbacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon