Zach La'vine
Hi! ako si zach La'vine.
Gwapo.
Mayaman.
Gentleman.
PERFECT daw ako. sabi nila, pero para sakin.. hindi eh! nararamdaman ko kasing may kulang sakin at gusto kong malaman kung ano yon.
Di ko maipaliwanag sa ngayon pero alam ko, darating din ang time na malalaman ko yon. lalo pa't nagkaro'n na ko ng clue kung san ako magsisimula.
Katatapos lang ng interview ko no'n sa new look, sinigurado din ng mga nagbabantay sakin na alang reporter na nag aabang sa labas ng building kaya nagulat ako ng may biglang sumulpot na babae sa harapan ko.
Palagay ko kanina pa nya ko hinihintay, napansin ko kasi yung pamumutla ng labi nya sa lamig. agad syang hinarang ng mga bantay ko, nakaramdam ako ng awa kaya pinigil ko sila at sinabing hayaan sya sa gusto nya.
Isa pa. ando'n din yung pakiramdam na gusto ko syang pakinggan kahit pa di ko naman sya kilala.
Inah arrellano ang pakilala nya sakin, at girlfriend ko daw sya! anak ng teteng! di nga!? di naman kasi sya mukang baliw.
May sasabihin pa sana sya kung di lang dumating yung mga tauhan ni dad at pinilit akong isakay pauwe.
Simula no'n di na sya nawala sa isip ko, kahit sa panaginip di nya ko tinatantanan. (Anak ba sya ni mike enriquez?) Ang masasabi ko lang, yung mundo kong magulo dahil sa showbiz, lalong gumulo dahil sa kanya.
Kung dati madali lang ang mga recording sakin, ngayon nakakailang take ako bago ma approve, lagi kasi kong natutulala. nabigyan tuloy ako ng bakasyon ni boss.
Kaya eto ko ngayon balik pilipinas, well ok na din. nami- miss ko na din kasi sila nanay at mira na mas gusto mag stay dito sa pilipinas kesa sa america. nagno- nosebleed daw kasi sila do'n.
Bago ko dumirecho sa bahay, naghanap muna ko ng makakainan. hindi kasi ko sanay na kumakain sa eroplano. kaya ngayon ang dami kong gutom.
Madami kong nadaanang mall na pwedeng kainan pero may isang particular na mall na gusto kong pinupuntahan pag andito ko sa pilipinas, ang Jajoo-saek.
I don't know kung anong meron dito pero pag andito kasi ko ang saya ng pakiramdam ko. Para bang lagi akong tatawa. yon yung feeling eh.
Nagsuot muna ko ng cap at shades para lang di ako makilala. Baka kasi may nakakakilala din sakin dito, mahirap ng malagay sa gulo.
Nakahinga ko ng maluwag dahil ilang oras na kong naglalakad ala pa ding nakakakilala sakin, ayos talaga mag advice si calvin. friend ko sa america.
Sya ang nagsabi saking mag shades at mag cap sa tuwing gusto kong gumala. Ginagawa daw kasi nya 'yon pag gusto nya gumi- mick. singer din kasi sya.
Straight lang akong naglalakad ng makuha ng isang babae yung atensyon ko. napatigil sya, gusto ko din tumigil pero bigla syang yumuko kaya dumirecho na lang ako.
BINABASA MO ANG
MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]
Roman d'amourIs this happily ever after? Or may pa part 3 pa si ailab_purple? 😂