"Let's break up"
pagkatapos mong sabihin ang salitang 'yan umalis ka. At alam kong sa pag-alis mong iyon, kasabay noon ang pagalis mo sa buhay ko.
Napayuko ako, kasabay noon lumandas ang malulusog na luha sa mata ko. Naninikip din ang dibdib ko, dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Bakit ang bilis lang sayo na iwan ako? Bakit parang ang dali lang sa'yo itapos lahat ng pinagsamahan natin?
Limang taon. Fucking five years. Tinapon mo ng ganun lang kadali? Ganun lang 'yon para sayo?
Gusto kong magtanong. Gusto kong itanong sa iyo kung anong mali sakin. Kung may pagkukulang ba ako. Kasi sa ginawa mo, pinaramdam mo sakin na napaka walang kwenta kong babae. Pinaramdam mo na wala akong halaga. Na basura lang ako na madaling itapon.
------------
"Saan ka pupunta? " Tanong sakin ng bestfriend kong si Kent. Nag-aayos siya ngayon ng gamit niya dahil papasok na siya sa trabaho niya. Night shift siya sa pinapasukan niyang Call Center Company.
"Sa labas." Maikling tugon ko. Simula nung iniwan mo ako. Nag bago ang ikot ng mundo ko. Naging tahimik ako, masungit at di namamansin. Salungat na salungat sa dating ako.
Lumakad ako sa madilim na kalsada. Naka suot ako ng black na hoodie. Baka nga pag may naka-salubong ako eh pagkamalan akong holdaper neto. Lakad lang ako ng lakad, hanggang sa mapunta ako sa totoong pakay ko. Kumawala ang isang nakakapangilabot na ngisi mula sa akin.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sayo. Natigil ka naman sa pagpasok ng susi sa seradura ng pinto mo. Taka kang tumingin sakin.
Binaba ko ang hood ng soot ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha mo. Sino ba naman ang di magugulat? Nakita mo ang demonyo sa harap mo.
Hindi kita pinagsalita. Sinaksak ko agad ang lalamunan mo ng hindi ka na makapag-ingay pa. Umagos agad ang malulusog na dugo sa lalamunan mo. Nangning ning naman ang mga mata ko. Dugo, mga masasarap na dugo.
Ako na ang nagbukas ng pintuan mo. Hinatak kita papasok sa bahay mo. Hindi ka makapalag. Pero mababakas na sa mukha mo ang tindi ng takot. Napangisi na naman ako.
Pina-upo kita sa sofa mo. Umupo naman ako sa harap mo. Pinaglalaruan ang kutsilyong kaninang nakatarak sa lalamunan mo. Sa sitwasyon mo ngayon, mababatid na nanghihina kana. Na kinakapos kana sa hininga. Sa kalagayan mo ngayon, mas natutuwa ako.
Dinilaan ko ang dugong kumapit sa hunting knife ko bago mag salita.
" Alam mo bang ayaw kitang mawala sakin? " Nagsimula na akong tumayo at lumakad papalapit sayo. Bakas na sa mukha mo ang matinding takot.
Pinadausdos ko ang talim ng kutsilyo ko sa noo mo paputang mata mo. Nakapikit kana. Dahil sa ginawa mo, mas natuwa ako. Itutok ko ang tip ng kutsilyo sa mata mo at mabilisang tinanggal ang mata mo. Nagulat ka siguro? Bigla kang napahiyaw sa sakit samantalang ako naman pinaglalaruan ang mata mo na parang bata. Ahihihi. Ang lambot pala nito. Masyado akong nalibang sa paglalaro ng mata mo kaya diko napansin na nakatayo kana at tatakbo.
Hinagis ko sayo ang kutsilyo at sakto namang natarak sa likod ng ulo mo. Nangisay ka muna bago bumagsak sa sahig. Naglalawa na ang dugo. Pinahid ko ang kamay ko sa sahig na puro dugo at tinikman ko. Ahihihi. Ang tamis naman ng dugo mo.
Sinipat ko naman ang katawan mo. Pinulsuhan kita. Wala na. Wala ka ng hininga.
Pinabilis ko na ang trabaho ko. Kinuha ko ang extrang hunting knife sa bulsa ko at hiniwa ko ang balat sa bandang puso mo. Kinuha ko ang pakay ko. Ang puso mo.
"Kahit kailan. Akin lang ang puso mo"