---SAIS---

332 9 4
                                    

MARAMING ANGHEL ANG NAIS MAGING TAO, NGUNIT MAS MATIMBANG ANG KANILANG TUNGKULIN SA AMA AT ANG PAGMAMAHAL NILA SA KANILANG KAPAREHA UPANG PANATILIHIN ANG KAAYUSAN SA DAIGDIG.

Nerrisa. Mukang napapasarap ang usapan ninyo… ngunit ang katawan mo…

Lumapit sila sa C-lo vision.

Nerrisa: Hindi maari. May ibang gumagamit sa aking katawan.

Una: tutulungan kitang paalisin ang elemento na yan.

Raphael: sasama ako!

“Pero Raphael… iiwan mo ang langit? sinong makikidigma kung sa oras na dito naman sila umatake?”

Malungkot na yumuko si Raphael at nagparaya sa Tagapagtanggol na si Una.

Ang mataas na katungkulan ay may kalakip na mataas na responsibilidad. Kaya naman kahit gustong ipagtanggol ni Raphael ang kanyang mahal… ay wala na lang siyang magawa kundi magmatigas at tanggapin ang magkabibang kapalaran nila.

Lumapit ang isang angel de la gwardya sakanya at sinabing “Mahusay si Tagapagtanggol… wag ka ng mag-alala”

Tagapagtanggol:

Mahirap dahil madami sila ngunti kailangan kong protektahan ang aking kapareha. Kailangan kong bumawi sakanya.

Bakit ba andming itim ang nagkakainteres sa katawan niya? habang wala si Nerrisa sa katawan niya ay kung ano-ano ang ginawa ng mga itim gamit ang katawan niya.

Dahilan sa paglapit sa kasamaan ni Nerrisa.

Sa tuwing sumasanib sakanya ang mga itim…

Lagi na lang siyang binubugbog ng kanyang mga tiya pagtapos.

Lahat ng sakit sa katawan ay tinatanggap lang niya.

Ng walang imik na maririnig mula sa kanya

Mahirap maging tao…

Ngunit halos lahat ay gustong maging.

Gusto ko siyang tulungan… pero hindi maari.

Lahat ng palo, tinanggap niya..

Buti na lang yung inang kumupkop sa akin sa lupa ay hindi kasing lupit ng tinitirahan niya.

Wala na akong ibang magagawa pa kundi bumalik na ulit patungong langit.

Pagbalik ko ay agad akong sinalubong ni Raphael.

Raphael: Ano? Kamusta?

Una: Bumilis na ba ang paglipad ko?

Raphael: Tagapagtanggol sagutin mo ako!

Una: Hindi mo ba nakita sa C-lovision ang ngyari?

Raphael: … pero gusto ko padin makibalita sa iyo.

Una: ginawa ko ang lahat para protektahan siya.

Napaupo si Raphael sa sobrang pag-aalala.

Inakbayan ko siya at dinamayan.

Walang salita ang tamang gamitin para pagaanin ang kanyang kalooban. Ang katahimikan niya na hindi mabasag-basag … gusto niyang protektahan si Nerrisa ngunit hindi niya magawa.

Dumaan ang mga araw at mas lumala pa ang pagatake ng mga itim kay Nerrisa, makalaang nabalitaan nila ang pagbisita ni Nerrisa sa Itaas.

Isinantabi panamantala ni Tagapagtanggol ang kanyang oportunidad tapusin ang kanyang misyon upang protektahan si Nerrisa para narin kay Raphael…

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon