"Hoy panget!!""Hoy Shawn Panget!!"
Aughhh!! Sa dinami dami ba naman na magiging crush ko eto pang mayabang na to.
Oo, crush ko sya. Crush ko ang ubod na yabang na si Kristoff Alvarez.
Hindi ko nga alam kung papaano ko naging crush yan eh ,kasi pagkagisng ko nalang...
BOOM!!
Crush ko na sya.....Ayy!! Oo nga pala kanina pa ako satsat ng satsat eh hindi pa ako nakikipagkilala sa inyo ,ako si Shawn Loreine Perez ang pinakamagandang nilalang sa aming paaralan
Bakit angal kayo?
Ewan ko ba sa mahangin na yun at tinatawag akong pangit. Porket nerd lang ako dati.
Oo ,sa maniwala man kayo o sa hindi,naging nerd ako dati at nag paganda lang ako simula nung maging crush ko tong si Kris.
"Panget!"
Ohh... ayan na pala yung mahangin. Ano kaya ang kailangan nya sakin?
"Hoy Shawn Panget!"
Pag katapos nyang sabihin yon bigla nalang nya ako inakbayan at sinabayan mag lakad kaya naman nakaramdaw ako ng kilig
"Oh ano na nanaman ang kailangan mo?!"sabi ko ng malakas sa harap nya at tinaas ko pa sya ng kilay
"Wala lang ,may gusto lang sana akong sabihin sayo"
Pagkatapos nun bigla nalang syang huminto at pati ako ay napahinto narin
"A-ano ba yang s-sasabihin mo?" Nauutal kong sabi sakanya ,pero bakit namam ako nauutal?
Paano ba kasi inilapit nya lamg naman yung mukha nya sa mukha ko. Sino kaya yung hindi mauutal pag nilapit ng crush mo yung mukha nya sayo?
Malapit nalang at mag didikit na ang aming mga labi. Kaya pumikit ako
Mga segundo ang nakalipas ay wala parin. Hindi ko mafeel lips nya
Pagdilat ko nakita ko sya sa may bandang kaliwa ng tenga ko at nakikita ko syang nag pipigil ng tawa at saka ngumisi
Feeling ko tuloy namumula ako , hindi sa kilig kundi sa kahihiyan at naiirita ako sa ginawa ko.
"Ang sasabihin ko lang naman sayo ay ---"
Bakit ang husky ng voice nya?
"ANG PANGIT MO!! At saka akala mo ba ay hahalikan kita? Ang feeling mo namam! Hahahah"
-- ____--
Pag katapos nyang sabihin nun nag lakad sya paalis habang tumatawa parin at iniwan akong nakatayo
*********
Pumasok na ako sa room namin at ang unang nakita ko ang aking upuan sa gilid ng bintana at yung ubod ng yabang
Papunta na ako sa upuan ko at umupo na. Pag kaupo ko tumayo naman yung mahangin at lumapit sa higad ayy este kay Bea
Nakatingin lang ako sa kanila habang sila naman ay nag haharutan at nag lalandian ,tss. The hell i care? -__-
Hindi naman nya ako gusto eh , ako lang naman etong si TANGA at umaasa pa na baka mag kagusto pa sakin
BINABASA MO ANG
Kahit Panget Ka (one shot)
Short StoryMay magmamahal pa ba sayo kahit panget ka? ----one shot----