Ryu's POV
Nagring yung cellphone ko sa bulsa ko, at pinatay ko agad.
"Sorry po mga sir, sa interruption" sabay balik ng cellphone ko sa bulsa ko
Kasalukuyan kong pinepresent yung project ko sa panel ng kompanya namin. Isa kong architect at nagtatrabaho ko sa Maynila, laki ako sa probinsya at dahil sa trabaho napunta ko rito.
....
"hay sa wakas tapos na ko, medyo nakakaba kanina" sabi ko pagkalabas sa room, at katatapos ko lang. Inasign ako para gumawa ng isang building para sa kumpanya namin, at di ko alam kung saan nila ipapatayo yung dinesign kong building pag na-aprobahan na, wala pa silang binabanggit sa akin
Nagring ulit yung cellphone ko
"Hello, Jade o buti napatawag ka, katatapos lang ng meeting kaya ngayon ko lang nasagot pasensya ka na ha" sabi ko
"Hindi ok lang naman Ryu, tatanong ko lang sana kung makakauwi ka dito, may balita kasi ako na....."
"Ryu tawag ka ni Chairman" sabi sa akin ng kasama ko
Tumango ako sas kasamahan ko
Patuloy na nagsasalita si Jade "....Ano makakuwi ka ba?"
"Pasensya na, di pa ko makakauwi, may project kasing pinapagawa sa akin. Nandiyan ka ba ngayon sa tambayan natin ?" sabi ko
"Oo, nandito ko ngayon, nakalilim ako dito sa puno ng mangga. Ganon ba di ka makakauwi, o sige ingat ka na lang" malungkot na sabi niya, at binaba na rin niya yung telepono
Pumunta na ko sa office ng Chairman namin, at pumasok ako
"Oh Ryu, maupo ka"
Lumapit ako at naupo sa upuan
"Ryu, naaprobahan na yung dinesign mo. Pirmahan mo natong contract ng masimulan na" at inabot sa akin yung kontrata
Kinuwa ko yung kontrata at pinirmahan
....
Pagkauwi ko sa tinutuluyan ko
Humiga ako sa higaan. Napatingin ako sa picture ni Jade at naalala ko yung dati ng bata pa ako, noong nandoon pa ako sa probinsiya....Flashback
15 years ago
"Ma! Punta lang ako sa labas maglalaro" paalam ko kay mommy
BINABASA MO ANG
Kanlungan (A nailed promise)
Short StoryTungkol ito sa desisyong pinagsisihan, dahil ang kapalit hindi na mababawi kailanman