Akoy di na magtatagal mahal na Hari babalik na lang ako sa susunod na araw para dalawin ang iyong anak na si Prinsesa Daliah..
Kung yan ang nais mo Prinsepe Edwardo pero pinapaalahanan kita ngayon palang na hindi basta basta ang aking Anak hindi sya kagaya mang mga Prinsesang nakasalamuha mo na
Alam ko po iyon kamahalan pero nakakatiyak akong magiging mabuti kaming magkaibigan nang iyong Anak.. Paalam kamahalan
Lumabas na ito nang bulwagan at napadaan ito sa kwadra kung saan nakatayo sa gilid nang kabayo nito ang prinsesa habang kausap nito ang kanang kamay nang hari na si Caspian
Akoy magpapa alam na Prinsesa hanggang sa muli nating pagkikita yumukod ito nang bahagya
At bakit ko naman aabalahin ang sarili ko na makipagkita sa iyo Prinsepe?. Kung ang tinutukoy mo ay ang muli mong pagbisita dito ay huwag na hindi ang isang tulad ko ang nababagay sa iyo Prinsepe edwardo
Hindi ikaw, ang makakapag sabi nyan Prinsesa paalam na at akoy may iba pang gagawin sa aming palasyo
Nagbigay galang naman dito si Caspian..
Mag iingat kayo sa inyong paglalakbay Prinsepe mapanganib ang bundok kapag ganitong panahon nang nyebe
Salamat Caspian.. Maiwan na namin kayo
Sumakay na ang mga itk sa kabayo at binuksan na nang kawal ang tarangkahan para makalabas ang mga ito
Mukhang Umiibog sa iyo ang Prinsepe kamahalan?.. Nakikita ko sa mga mata nya ang pagkagiliw habang tinititigan ka nya
Mali ang iyong hula Caspian, hindi ang isang kagaya nya ang magugustuhan ko
Di yata't iba ang sinasabi nang inyong mga mata sa binibigkas nang inyong labi mahal na Prinsesa di kaya umiibig narin kayo sa Prinsepe?..
Talagang wala syang malilihim sa sarili nya kapag si Caspian na ang kaharap nya hindi lang kasi ito bastang kanang kamay bang ama nyang hari isa rin itong magaling na manghuhula at sabay silang lumaki at nagka isip
Wag mo akong gamitan nang iyong kapangyarihan Caspian sinisiguro kung wala akong ano mang nadarama sa Prinsepeng Sinasabi mo
Kayo ang bahala kamahalan. Paumanhin kung ginamit ko na naman ang aking kapanyarihan..
Mukhang maganda ang pagtuturong ginagawa mo sa aking kaibigang si Kalifa Caspian. Maraming Salamat.. Pag iiba nya nang usapan
Walang ano man Prinsesa tungkulin kung maturuan nang maayos ang inyong alaga para narin sa inyong kaligtasan
Salamat Caspian isa kang tunay na kaibigan..
Prinsesa Daliah pinapatawag po kayo nang inyong Ama.. Wika ni Wanda ang kanyang butihing tagapag alaga
Maiwan na muna kita Caspian mukhang may importanting sasabihin ang aking Ama.. Tara na Wanda
Prinsesa Daliah mukhang balak nang inyong Ama na ipagkasundo kayo kay Prinsepe Edwardo
Tumaas ang kaliwa nyang kilay sa sinabi nito..
Kung gayon Wanda sisiguraduhin kung Mahihirapan si Edwardo para sya na mismo ang kusang sumuko
Makakaya nyo kaya Prinsesa Daliah?.. Nakatitiyak akong hindi ang tipo ni Prinsepe Edwardo ang basta sumusuko. Marami na akong balita sa kanya isa sya pinakamagaling humawak nang Espada at mahusay sa pakikidigma..
Hindi ang tulad ko ang gugustuhin nyang makasama Wanda tinitiyak ko sa iyo iyon. Marami narin akong nabanalitaang Mapaglaro sya sa mga Babaing nakakatagpo nya
Kayo ang Bahala Prinsesa pero ang maipapayo ko lamang sa iyo ay wag mo sanang gawin sa kanya ang ginawa mo noon sa ibang Prinsepeng nagtangkang manligaw sa iyo..
Ngumiti sya dito.. Kilala mo ako Wanda hindi ang isang tulad ko ang basta sumusuko sa Isang Prinsepeng kagaya nya
Prinsesa?.. Baka magalit na naman ang inyong Ama pag inulit nyo pa iyon.. Baka tuluyan nyang palayasin na kayo nang palasyo..
Hindi Mangyayari Iyon Wanda nakatitiyak ako
Dire diretso na sya sa loob nang bulwagan..
End of Chapter4
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasiFantasy Paano kung magising ka na wala na sa tabi mo ang babaing naging dahilan nang lahat sa buhay mo?..patuloy ka parin bang aasa na babalik sya o magmamahal ka nang iba?..Pero Paano kung isang araw ay matuklasan no Edwardo na angbdahilan nang pag...