Love Is . 9

437 18 6
                                    

Cienne's POV

"Ma'am may tawag po kayo" sulpot ng secretary ko.

"Paki sabi naman busy ako" sagot ko ng di inaalis ang tingin sa laptop ko.

"Pero ma'am" apila nito.

"Please lang Mon ang dami ko pang ginagawa eh" putol ko sa sinasabi nito.

"Sige po ma'am" narinig kong sumara ang pinto.

Kailangan ko na talagang tapusin itong slides para sa proposal ko bukas, tatlong araw nga lang ang binigay saakin para tapusin to kaya sobrang stress ako ngayon.

"Ma'am mauna na po ako" sulpot ulit ng secretary ko, nag-angat ako ng tingin sakanya.

"Salamat Mon ah, mag-iingat ka sa paguwi" bilin ko.

"Sige po ma'am, kayo rin po good luck bukas" nakangiti nitong sabi.

Filipino rin siya, well karamihan naman ng empleyado namin dito Filipino, kasi diba kaysa naman kano ang bigyan namin ng trabaho eh di mas mabuti ng kababayan namin.

Teka lang guys ahh, mamaya na ako magkwekwento, tapusin ko muna ito.

...

Napasandal nalang ako sa upuan ko, hays sa wakas natapos rin, tumayo ako at nag-inat. Napatingin nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

Ilang minuto rin ako sa posisyong ganito, napatingin ako sa relo ko. Alas onse na pala ng gabi, makauwi na nga para makapagpahinga narin maaga pa ako bukas eh.

Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas ng office, sinalubong ako ng guard pagbaba ko sa parking lot.

"Ginabi nanaman kayo ma'am" nakangiti nitong bati.

"Oo nga po eh, may tinapos pa po kasi ako" sagot ko.

"Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho" nakangiti nitong bilin.

"Salamat po" sagot ko tyaka ako sumakay sa sasakyan ko, bumusina na muna ako kay manong tyaka ako tuluyang umalis.

...

Pagdating ko sa bahay ay tumihaya agad ako sa sofa, kapagod!

"Buti naman at dumating ka na" sulpot ni mommy.

"Tinapos ko pa po yung slides" nakapikit kong sagot.

"Kanina pa kami tumatawag sayo ayaw mo naman makipagusap" sita nito.

"Mommy, alam mo namang bukas na yung proposal ko diba" katwiran ko.

"Sa sobrang busy mo nakalimutan mong paparating si Vic"

Napatayo naman ako agad sa sinabi nito, sh*t! Oo nga! Hala!

"Hindi niyo sinundo?" Tanong ko.

"Wala ka naman kasing nabanggit na napaaga siya" sagot nito.

Mag aalas dose na, sigurado kanina pa naghihintay yun doon, tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Susunduin si Vic" sagot ko.

"Nandun siya sa kwarto ng kapatid mo, nang makita nila ayaw ng pakawalan. Hindi pa kumakain yun hihintayin ka nalang daw"

Nagmadali naman akong umakyat at pumasok sa kwarto ni Chasiah, napangiti nalang ako sa nakita kong itsura nila.

Dito narin nakatulog si Sachi at Cameron, naka yakap si Chasiah sakanya, si Cameron naman naka unan sa kabila niyang braso, si Sachi naman sa legs niya nakaunan.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon