Chapter 1

27 0 0
                                    


"Ilang beses ko bang sinabi sayo na dapat perfectly cooked eggs ang lutuin mo! Bakit sunog??"

Nagising ako sa nagsisigawan sa labas ng kwarto ko. Seryoso? Ang daming lugar na pwedeng magsigawan sa labas talaga ng kwarto ko?

Umupo ako at tinignan kung anong oras na. And guess what? It's fucking 7 in the morning and nagising nila ako dahil sa sigawan nila. Lagot talaga sakin kung sino man yung mga yon.

"Anong nangyayari dito?" Kalmado pero halata sa boses ko ang pagkainis. Sinong hindi maiinis diba?

"Good morning po ma'am." Nakayukong sabi ng katulong.

Mas natuon ang atensyon ko sa tray dahil bigla itong nanginig at kaunti nalang eh matatapon na yung laman nito.

"May lindol ba?"

Nabigla yung katulong kaya parang mas lalo yatang nanginig yung kamay niya. Jusko if that's my breakfast papaulit ko sakaniya tong niluto niya.

"Ma'am sorry po kasi-"

"Mali ang pagkaluto niya ng eggs ng kuya mo! Ano nanaman ang masasabi ni Austin kapag nakita yan! Magagalit nanaman siya at magsisisigaw nanaman!" Nakakainis na talaga tong sigawan na to ah.

Sa sobrang inis ko ay ilang beses kong sinipa ang pinto ni kuya hanggang sa magbukas ito. Halata ang pagkainis niya dahil sa ingay siguro at sa pagsipa ko ng pinto niya.

What? Nagkakagulo sila dahil sa lintik na itlog niya kaya kailangan gising din siya ng makita niya yung gulong ginagawa niya ng dahil lang sa itlog.

"What the hell Ja!" Tinaasan ko siya ng kilay at pumasok sa kwarto niya. Pinasunod ko naman yung katulong tsaka si manang.

"Pakilapag na lang ng breakfast niya sa table at makaalis na kayo." Utos ko ng makahiga nako sa kama nito. Naks naman kuya ang bango ng bed mo. Hahahahahaha

"Pero Jasmine ipapaulit ko pa itong eggs ng kuya mo. Ayaw niya ng ganitong luto." Umupo ako at pinanood ang kuya kong walang ganang umupo sa sofa ng kwarto niya at tinitigan ang breakfast niya.

"Wag na manang. Di naman maarte yang si kuya pinahihirapan lang niya kayo."

"Pero iha-"

"Manang nagising ako ng dahil lang sa itlog kaya pwede po ba? Okay na yan. Ako na bahala kay kuya."

"But-"

"Wag ka ng umimik. Marami akong pwedeng ibato dito." Pagputol ko sa magrereklamo kong kapatid.

Bumuntong hininga lang silang tatlo at lumabas na ng kwarto si manang at yung katulong. Hay salamat tahimik na din.

Humiga nako sa kama ni kuya at nagsimulang bumalik sa pagkatulog ko ng biglang..

"What the fuck??"

Buhusan ba naman ako ng tubig?? And take note SOBRANG LAMIG NA TUBIG! Sasaktan ko tong panget na to eh!

"Ikaw kumain ng itlog."

"Totoo ba?!" Nanlilisik na mga mata ko and i tell you kung pwede lang makamatay ang tingin kanina pa duguan to.

Umirap lang siya at pumasok na ng banyo niya. Sa sobrang inis ko sinipa ko yung pinto ng banyo niya na nagkaroon ng malaking butas tsaka ako lumabas ng kwarto niya.

"I'll kill you when I'm finish!" Huling narinig ko bago ko isara ang pinto.

"Oh ang aga mo naman magising?" Nagtatakang sabi ni ate Eunice.

The Mafia In Me (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon