2 - Ayoko Na..

8 0 0
                                    

Hi. This is my new story. I'm trying to write in a Filipino-English language bc writing in english can make me lazy sometimes haha. Just give it a try. Thank you & enjoy!

mysteriousL

----------------------------------------

2 - Ayoko Na!

Alam nyo ba kung gano kasakit ang mawalan ka ng minamahal? Mabuti naman akong anak ha. Ginagawa ko naman lahat ng pinapagawa sakin. Pero Bakit ganun? Bakit siya lang? Ba't di ako kasali?

Sana umuwi nalang kami ng maaga. Sana nanood nalang kami ng movie sa bahay. Sana.. sana ako nalang yung namatay.

Di ko na napigilan tumulo yung luha ko. Ang sakit sakit naman kasi eh. Di ako binalaan na may ganung mangyari. Kasalanan ko lahat eh!

"Nak, lumabas ka na dyan para kumain. Ilang araw ka nang hindi lumalabas," sabi ni Mama. FYI, summer break ngayon!

Tumayo nalang ako at tamad na naglalakad papuntang kitchen. Wala nakong lakas. Wala na lahat. Sinipsip ng mundo yung energy ko. Kahit humor sa dugo't balat ko, wala na. Kinuha na siya eh, di ko na maibabalik.

----------------------------------------

Gabi-gabi akong umiiyak. Hulaan nyo ginagawa ko pag araw.

Ano pa nga ba? Edi natutulog. Kung hindi naman, magmumukmok sa isang sulok at tinitignan ang mga litrato namin ni Mark.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Mark. Kahit alam ko voicemail lang punta nito.

"Beb, kamusta kana dyan? Hindi ka ba naiinip dahil wala ako? Hindi mo ba ako namimiss? Dahil ako miss na miss na kita. Ang daya naman ni Mr. Time. Kinuha ka talaga nya sa araw ng anniversary natin." At tumulo ang luha ko. "Beb naman eh. What do you want? Susundan ba kita? Gusto mo ba yun? Baka malungkot ka dyan kasi ikaw lang mag-isa. Tell me..."

Alam kong nababaliw na ako dahil tinatawagan ko siya. Ganun talaga kasi pag totoong pag-ibig. Kasi pag mahal mo ang isang tao, magagawa mo ang mga bagay na kahit kailan hindi mo inaasahang gagawin mo.

Kumatok si Mama sa kwarto ko. Pinahiran ko yung luha ko.

"Anak, lumabas ka naman dyan. May ipapabili ako sayo sa mall."

Mall. Huling lugar kung saan kami pumunta ni Mark.

"Uhh Ma, pwedi sa susunod nalang? Wala kasi akong gana lumabas eh." Umayaw ako.

"Sige na, anak. Importante kasi itong ipapabili ko eh."

"Sige.." at lumabas na ako at kinuha ang pera kay Mama.

--------------------------------

Nang papunta na ako sa mall, lakad lng ako ng lakad. kahit abutin pa ako ng isang oras sa paglalakad, wala akong pakialam. Maaga pa naman eh.

Huy kayo ha, wala akong balak magpakamatay. Nasabi ko lang yun kanina dala ng emosyon ko. Pero seryoso, palakad-lakad lang talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Teka! Nakalimutan kong tanungin si Mama kung ano yung pinapabili nya! Ano ba naman yan! Uuwi na naman ako? Layo pa naman nitong nalakad ko. Baka dinala ko phone ko.

Shiznits holy macaroni! Hindi ko nadala. Talk about malas.

--------------------------------------------------

How is it guys?

Vote, Comment and Share

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon