Cherry blossoms

17 9 1
                                    

Nara's Note: This is going to be special to me. I wrote this while I'm sick. Yeah. So, expect that this is not  going to be perfect. ENJOY!

***

Magkahawak ang aming mga kamay. Mahigpit. Kasama kami sa tinatawag na  "High School lovers". Maraming nagsasabi, hindi raw kami tatagal kasi bata pa kami, marami pa kaming pagdadaanan.

Ano ba sila? Manghuhula? Alam ba nila na maghihiwalay kami dahil lang sa isang problema na kaya naman naming ayusin nang magkasama.
Oo, kulang pa kami sa kaalaman o sa experience pero hindi naman 'yun ang basehan, e.

Nagulat ako nang huminto kami sa paglalakad. "Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Wala lang." Pagtanggi ko. Nginitian niya ako, ang ngiting dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

Hindi ito tinatawag na puppy love. Kasi para sa'kin siya na iyong lalaking papangarapin kong makasama hanggang maabot ko ang mga pangarap ko.

Alam kong iba siya, iba siya diyan sa mga lalaking nasa tabi-tabi.

Siya ang John ng buhay ko. Ang John na nagpapatibok ng puso ko at patuloy na magpapatibok nito. Alam kong dapat 'wag muna akong magpakasigurado, pero sasamantalahin ko na ang pagkakatong ito. Iti-treasure ko ang bawat oras na hawak niya ang kamay ko.

"Mukhang mali ang naisip kong 'to. Masyadong mainit pero naglalakad tayo." Nakangiting saad niya. Itinaas niya ang kanyang palad bilang pantakip sa kanyang mukha na nasisinagan ng araw.

Ginaya ko siya. Nakatinigin kami ngayon sa langit na asul na asul ang kulay. Maganda ang panahon, walang pagbabadyang pag-ulan ngunit ang init ay nakapaso. Kahit ang hangin dala ay init. Naglalaggan na ang mga dahon, nagsisimula nang makalbo ang mga puno.

"Dalian na natin." Sabi niya. Tumango na lamang ako.

Sixteen ako, seventeen naman siya. Matanda siya ng isang taon sa'kin. Sabi niya sa'kin liligawan niya ako ulit 'pag tumuntong na ako ng eighteen.

Marami kaming pangarap, tulad nang... makapagtapos sa college. Habang siya architect ako naman accountant. Susuportahan namin ang isa't isa.

...

"Ella! Ano 'tong nalalaman ko? Nagbo-boyfriend ka na bang bata ka?" Bungad sa'kin ni mama pagkapasok ko sa bahay.

Hindi ako nakapagsalita na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Anong sasabihin ko kay mama? Paano ko ipaliliwanag?

"Opo—" malakas na sampal na natanggap ko mula sa kanya. Ang sampal na kahit minsan ay hindi ko naranasan sa mga kamay niya.

"Ano bang pumasok diyan sa utak mo?! Anak, ang bata mo pa!" Matindi ang galit ni mama ngayon, at hindi siya magiging ganito kung hindi matindi ang galit niya.

Hawak-hawak ko ang pisngi ko habang isa-isang tumutulo ang luha ko.

"Pagkatapos mo ng high school, ipapadala kita sa tita mo sa Japan! Doon ka na mag-aaral!" Saka niya ako iniwan.

Bakit ganun? May mga classmates din naman akong nagbo-boyfriend na pero hindi sila hinahadlangan ng mga magulang nila. Bakit ko pa kailangang pumunta ng Japan? Itinatakwil na ba ako ni mama?

...

Umiiyak pa rin ako rito sa kuwarto ko. Pakiramdam ko kasi, nandito pa rin iyong sakit at hapdi sa pisngi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The Cherry Blossom Tree (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon