chapter 18[Date?]

16 0 0
                                    

Erika Irene's Pov

[Hi!?Bukas ulit ah hahatid kita sa bahay nyo saka libre kita bukas^_^]

Hindi ko alam pero parang baliw ako na nakangiti dito sa kilig at tuwa sa sinabi ni lance hindi ko na reply-an kaagad yung message nya saakin kasi nag iisip pako ng isasagot ko sakanya

'Hahaha sige ,sus talaga ba ililibre mo ako bukas?'

[Oo naman ide-date kita ayy este ililibre pala kita bukas hahaha]

Nakangiti ako habang binabasa ko ang message nya na yan <^_^> kaya agad naman akong nag reply hahaha date talaga?

'Hahaha sige sabi mo yan huh?'

[Hahaha oo naman]

'Sige bye na gagawin kopa kasi itong project natin sa english eh'

[Umm..sige gawin mo na yung project natin gagawin ko narin yung akin bye erika!I love you..]

What the...!totoo bato?nag I-i love you sya sakin?hindi konalang nireply-an si lance sa sinabi nya sakin at sineen ko nalang yun baka kasi nagbibiro lang yun eh

Haysst sinimulan kona tong project kong gawin na dapat ay tapos na ngayon dahil sa pakikipag chat ko kay lance mag sisimula palang ako ngayon pero di ako nag sisise na naka chat ko sya kinilig panga ako eh ayy bad erika!hindi ka dapat kiligin bata kapa mag aral ka muna!

Hay patapos natong ginagawa kong project at sa wakas success tapos nadin kaya makakapag pahinga na ako

Hindi na siguro ako kakain ng gabihan tutal busog pa naman ako kaya matutulog nako

....

....

...

Maaga akong nagising ewan ko parang hindi ako gaanong makatulog iniisip ko yung sinabi sakin ni lance buset kasing lance yun eh pinapakilig pako yan tuloy di ako gaanong nakatulog dahil sa kakaisip sa sinabi nya saakin dumeretso na ako agad sa banyo upang maligo

Mga 10 minutes lang tapos nakong naligo at nag bihis na ng school uniform

Nag punta na ako ng kusina at parang gulat na gulat si mama dahil ngayon nya lang ako nakita na ganto gumusing ng napaka aga

"O nak bat ang aga mo yatang gumising ngayon?" ~mama

"Ah eh...hindi po kasi ako kumain kagabi kaya nagugutom ako ngayon kaya napaaga ang pag gising ko" ~ako| pag papalusot ko kay mama ang totoo nyan hindi kasi ako makatulog ng mabuti dahil kay lance kaya naisipan kong bumangon nalang ng maaga

"Ah ganon ba o sige kumain kana diyan anak" ~mama

Inloved Ako Sa Classmate Ko!Where stories live. Discover now