CHAPTER 7💞

131 20 2
                                    

ISAng mahinang katok ang nagpabalikwas kay Daliah.. Kasabay nang pagbukas niyon ang pagbati mula sa maganda at mahinhin niyang kapatid na si Daniela

Ano ang iyong kailangan Daniela?..

Nais ko lamang sabihin sa iyo na mamamasyal kami Ni Prinsepe Marco bukas nang umaga gusto mo bang sumama mahal kong kapatid?..

Masama ang aking pakiramdam Daniela kayo nalang ni Marco

Iniisip mo parin ba ang mga sinabi ni Ama Daliah?..

Lagi na lamang sya ang nasusunod.

Daliah, tama si Ama mapanganib ang bundok nang Senay baka hindi kana makabalik nang buhay..

Napatingin sya sa dito sinabi nito.. Naglaro sa isip nya ang isang ideya

Bakit nga ba Hindi..

Ano ang iyong naiisip Daliah?..

Daniela diba ang sabi mo ay mapanganib ang bundok nang senay?.. Ano kaya kung?..

Daliah wag mong gawin yan alam ko ang iniisip mo..

Hindi pa sa ngayon Daniela pero pagnagpatuloy sa panga ngambala si Edwardo ay baka subukin ko syang puntahan ang bundok na iyon

Hindi Daliah, mali ang iyong gagawin bakit kailangan mo pang subukin ang katapatan nang lalaking iyon.?

Mahal kung kapatid lahat nang gustong makuha ang puso ko ay dapat dumaan sa pagsubok paano na lang kung puro Awa ang aking pinairal baka sumuko rin sya tulad nang mga naunang lalaki sa aking buhay na pilit na ipinagkasundo sa akin ni Ama

Bahala ka na sa desisyon mo Daliah. Pero ako na mismo ang nagsasabing mahal ka ni Edwardo ngunit ikay nabubulagan dahil sa mga naunang Prinsepe na sumuko dahil narin sa iyong kagagawan.. Masyado kang mapaglaro Daliah..

Alam ko na ang tungkol dyan Daniela hindi ikaw ang ating Ina kaya makaka alis kana sa silid ko.

Tumayo na ito mula sa Pagkaka upo sa gilid nang kanyang Kama

Sana ay Pag iaipan mo ang mga gagawin mong hakbang Daliah, lalo na kung tungkol sa buhay nang isang tao ang nakataya. Sana ay magbagk pa ang iyong pasya.. Maiwan na kita

Tinungo na nito ang seradura at agad nang lumabas nang silid nya. Ang tanging naririnig na lamang nya ay ang huni nang mga larasai isang uri nang malaking ibon

Isang plano ang nabuo sa isipan nya,ngYon ko masusubok ang iyong katapatan Edwardo kung tunay nga na ako ay iyong mahal papayag ka sa ano mang ipagagawa ko sayo Aking Prinsepe.. Sa isip isip nya

Samantala

Ama gusto ko kayong makausap?..

Tungkol saan Edwardo?..

Tungkol sa babaing nag ngangalang Cora.

Alam mo na pala ang tungkol sa kanya mahal kung anak. Tunay ngang tapat sa iyo ang iyong tagapag alaga..

Oo Ama at sa tingin koy tama lang ang mga sinabi nya sa akin..

At ano ang mga iyon Anak?..

Ama,nakaka siguro ba kayo sa babaing inyong napupusuan?..

Oo Edwardo mabait na Babae si Cora gayon din ang kanyang Anak na si Esadora
At may balak kayong gawing Reyna si Cora tama ba ako Ama? ...

Edwardo,matagal nang namayapa ang iyong Ina,at sa tingin ko ay magiging maligaya sya kapag nakita nya akong maligaya

Sana nga Ama..sana ay hindi ang isang tulad nyang ambisyosa ang makapag pabagsak sa kaharian ..

Hindi mangyayari iyon Anak magiging mabait na Ina sayo si Cora at ganun din sa nasasakupan natin.

Kayo ang bahala Ama ngunit hindi ko sya Ina dahil ang Mahal kung Ina ay Patay na..

Edwardo sana ay bigyan mo nang pagkakataon si Cora..

Utos ba yan Ama o isang pakiusap?..

Paki usap Anak subukan mong kilalanin sya..

Tumalikod na sya sa Ama at lumabas nang palasyo malalim na ang Gabi pero hindi sga dalawin nang Antok

End of Chapter7

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon