Chapter 1

30 0 0
                                        

Chapter 1: Weird Feelings

Jessie's POV:
"Bakit ba kasi ang init ngayon. Kaloka naman tong araw na'to, kainis!" yan na lang ang napapasabi ko araw-araw pag naghihintay ng masasakyan.

Di naman sa ayaw ko ng jeep, gusto ko talagang sumakay nang taxi, kasi malamig sa loob at walang siksikan.

Ay oo nga pala, magpakilala muna ako ha?
Ako si Jessie Higgins, 16, from King John Academy pero ngayon lilipat ako sa mas mahal at malayong school, Green City Academy.

Eto kasi si Mama, pinalipat ako ng school, kasi daw naalarma na siya sa mga nangyayari sa school. Sasabihin ko sa tamang panahon kung bakit.

BTW, sasakay na ako kasi maleleate na talaga ako neto. "Kuya, para!" sigaw ko sa nakaabang na taxi. Sasakay na sana ako at may bigla akong narinig na boses ng lalake. Baka may nakasabayan ako.

"Uhm, kung di mo naitatanong. Nauna ako rito" pakiwari ko sa lalake.

"Nope, I'm the one who gets the first grab. Ako yung nauna, Ms." he speaks manly.

Biglang kumulo yung dugo ko at kumunot ang noo ko. Grampy kasi ako ehhh--- Madali akong magalit. Gets?

"Aissshhh!!! Diba sabi ko, ako ang nauna."

"Ms, may magnanakaw dyan sa likuran mo"

"Ha! San!"

Humarurot bigla ang taxi na sinasakyan sa nakaalitan kong lalake. My ghadd! Anyare?
He smiles like a devil. Shittt!! Nakahoodie kasi siya ehhh~ Kaya napansin ko mukha niya.

"Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko. Nauto niya ako. Urgghhhh!!"

Yung mukha niya, such a perfect. Maputi, makinis, chinito, matangkad siya, napakamanly ng voice at feel ko sikat siya sa school. Wait, pareho ba kami ng school? Is he a campus heartthrob? Or a campus heartbreaker? Duhh! Whatever!
Pero.. HINDI SIYA GUWAPO! ANG SAMA NG UGALI NIYA! AHHH! ^<*

Tumingin lang ako saglit sa relo ko.
"My gheed! 6:50 na! Whhhaaattt!!! O_O!"
Epal kasi tong kutong lupa na to ehh! Ginawa niya akong tanga. Bwiset ka kung sino ka man.

Makakatikim ka ng pait ng isang api.
Ano daw? Maka 'Pangako sa'yo' lang ang peg ko. Sasakay na talaga ako neto.

Humanap ako ng ibang masasakyan or should I say, maghahanap ng ibang puwesto. Napakainit na kasi ehh! Masira tong precious beauty ko itey!

Ok. This time, nakasakay na rin ako sa wakas. Sa isang taxi. Whoo! Sucks dis lyf!
Pero ok lang kasi malakas ang aircon. Haha!

Tinignan ko ang kasuluksulukan ng sinasakyan ko, namamalik mata ba ako?
Diba? Ano! Pareho sila ng mukha na nakaalitan kong lalake kanina. Pareho talaga sila. Maputi, chinito, makinis ang balat, feel ko matangkad (nakaupo kasi kami), kaso may dimples (yun lang) at may dorky-shades. Is he a nerd? Wow namen!
At bigla siyang magtanong.

"Ms, transferee ka ba?" sabi ng hindi ko pa nakikilalang lalake. Hindi gaanong manly ang voice niya. Pero mas cute siya sa inaakala ko.
Di pareho nung isa, ang damot at ang.... bwiset! Bwesit siya.

"Uhm *ahem* Yep! Transferee ako." malimit kong sinabi sa kanya.

"Uhh okk!" malimit din niyang sabi.
Biglang tumahimik ang paligid.
Dahil tumahimik, nagpatugtog si Manong Driver ng kanta. Napaka-awkward kasi ang pinatugtog niya, "Fool Again". Ano daw?

Tumingin ako sa bintana para hindi ko siya pansinin. Narinig ko siya na kumakanta. Palakanta naman itong nerdy na ito ahh! Di halata sa kanya. Hihi!

Malapit na kaming bumaba sa taxi. Bumungad na sa akin ang napakalaking at napakagandang school. Ang daming green. Lahat kulay green. Malamang Green diba! Green City toh diba? Oo nga pala! Bobo din ako minsan. Jusme!

Foolish HeartWhere stories live. Discover now