Kinaumagahan sa kaharian nang Damortres
Daniela, naghihintay na si Prinsepe Marco sa labas nang palasyo upang sunduin ka
Salamat Wanda, ang aking kapatid asan sya?..
Maagang umalis kamahalan may pupuntahan daw sa ibayo..
Bakit ganoon si Daliah Wanda hindi ko sya maintindihan..
Hayaan mo na muna si Prinsesa Daliah kamahalan marahil ay nagtatampo parin iyon sa inyong Ama..
Napaka tigas nang kanyang puso sana lang ay wag nyang pahirapan si Prinsepe Edwardo Wanda
Bakit kamahalan ano ang sabi nya sa iyo?..
Na susubukin nya raw si Prinsepe Edwardo Wanda at balak nya itong papuntahin sa bundok nang Senay.
Jusko, ano na ang nangyayari sa Aking Alaga?..
Hindi ko rin alam Wanda ang tanging hiling ko lang ay wag sana nyang ituloy ang binabalak nyang iyon kay Edwardo..
Sana nga Prinsesa, pero pareho nating kilala ang iyong kapatid wala syang ginugusto na hindi nya ginagawa..
Ano kaya kung balaan ko na lang si Prinsepe Edwardo wanda?..
Mas makabubuti siguro kung ganun nga ang gawin nyo kamahalan..
Sige, mamaya pagkatapos naming mamasyal ni Prinsepe Marco ay Pupuntahan namin sya sa kanilang kaharian.. Sige Wanda maiwan na kita baka naiinip na ang aking Prinsepe..
Sige kamahalan mag iingat kayo..
Salamat Wanda..
Samantala:
Nasa karagatan ngayon si Daliah para dalawin ang mag asawang Serina
Fabian ,Amira asan kayo?..
Bumaba sya sa batuhan sa pag asang anduun ang dalawa. Pero wala
Maya maya pa ay may natanaw syang mga buntot na nagliliwaliw sa pusod nang dagat..
FAbian, Amira?... Sigaw nya dito
Wariy narinig naman sya nang mga ito kaya mabilis na lumangoy ang mga ito sa direksyon nya..
Amira Mahal tingnan mo kung sino ang ating panauhin?.!
Daliah Anak ko?.. Mabuti at dinalaw mo kami nang itong Amang Fabian. Ngunit bakit parang malungkot ang iyong mga mata? ..
Wala ito Amira may Problema lang sa aming kaharian..
At anong Problema iyon Daliah?..si Fabian
Amang Fabian, nakikilala nyo ba si Prinsepe Edwardo?..
Aba ang magiting na Prinsepe, ano ang tungkol sa kanya Prinsesa?..
Sya ang lalaking napili ni Ama na maging Asawa ko Amang fabian
Kung ganun ano ang iyong ipinag aalala Daliah?.. Kilala sa pagiging mabait at marunong makisama ang mahal na Prinsepe..
Ngunit diba kilala rin sya sa pagiging pendiho Mahal ko?.. si Amira
Amira, matagal nang nagbago ang Prinsepe alam yon nang sinuman. Ang mga Prinsesa lang talaga ang mahilig na akitin at paibigin sya..
Pero Amang, ayokong Makasal sa kanya, masyado pa akong bata para sa kanya..
Daliah, kung yan ang iyong inaalala ay pwede mo namang kausapin ang iyong Ama na bigyan kapa nang mahabang Panahon..
Tama si Amang Daliah, savihin mo lang ang iyong nais sa iyong ama at nakatitiyak kaming maiintindihan ka nya..
Salamat Amang, Inang.. teka bat Parang may napapansin ako sa inyo Inang?..
Nagkatawanan ang mag asawa..
Ang akala namin ay hindi mo na mapapansin Daliah, ang iyong inang ay buntis na sa Aming panganay na anak at ilang linggo na lamang ay mag sisilang na sya..
Magandang Balita yan Amang, Inang, sasabihin ko ito kay Daniela pagka uwi ko.nang palasyo.
Sige Anak, diba at buntis rin ang iyong Ina?..
Opo Inang at magsisilang sya ilang buwan mula ngayon..
Kung ganun ay kunin mo ito Daliah, makakatulong yan sa iyong ina para mapadali ang panganganak nya..
May iniabot ito sa kanyang isang maliit na bato na kulay asul..
Salamat Inang..
Sige na Anak humayo kana at parang uulan na naman mamg nyebe baka hindi mo makita ang daan pabalik.. Si Fabian
Sige Inang Amang akoy Aalis na, dadalaw ulit ako sa inyo sa susunod na mga araw..
Mag iingat ka Daliah, patnubayan ka sana ni Bathala sa iyong Paglalakbay..
Sumakay na sya sa kanyang kabayo at pinatakbo na iyon pabalim sa kanilang kaharian..
End of Chapter8
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyFantasy Paano kung magising ka na wala na sa tabi mo ang babaing naging dahilan nang lahat sa buhay mo?..patuloy ka parin bang aasa na babalik sya o magmamahal ka nang iba?..Pero Paano kung isang araw ay matuklasan no Edwardo na angbdahilan nang pag...