Chapter 22

533 17 1
                                    


C h a p t e r T w e n t y t w o

I changed

~**~

Maganda ang tulog ko kagabi. Kaya maganda ang gising ko ngayon. Atlhough habang mag-isa akong nag-a-almusal sa mahabang mesa, naiisip ko si Rem. At nangungulila ako sa presence niya. Nakakamiss rin pala ang kakulitan ng mokong na yun.

Bored na bored ako sa bahay, kaya maaga akong nagpunta sa Sky Entertainment building. Sa dorm ng Style, to be specific. Naabutan ko silang nag-aalmusal. Si Yna at Iasha nag-uusap habang si Talia parang may sariling mundo na nakataas ang isang paa sa bakanteng upuan (ang upuan ko), habang nakatingin sa screen ng phone niya at nagtitipa. Hm, sino kaya ang ka-text or kachat niya?

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila. Saka lang nila ako napansin.

Nagtaka ako sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Gulat ang mga mukha nila na para bang kagagaling ko sa isang malubhang sakit kahapon tapos bigla akong gumaling ngayon. Di kapani-paniwala.

"Nakuha mo pang maging hyper, bina-bash ka na ng mga fans ni Zico sa internet," sabi ni Yna. Hinampas niya ang paa ni Talia na nakapatong sa upuan. Nagreklamo naman ang huli pero hindi siya pinansin ni Yna. Tinapik niya ang upuan. "Upo ka dito."

Sumunod naman ako. Tumayo si Iasha para kumuha ng pinggan. Nilagyan niya iyon ng chicken sandwich at nilagay sa tapat ko. Nagpasalamat ako sa kanya.

Tumingin ako saglit kay Talia na busy pa rin sa phone niya. Nakangiti pa na parang timang. Since ang oblivious niya, kinuha ko ang baso ng juice niya at ininom.

"May paparazzi na nakuhanan kayo ng video ni Zico na nagyayakapan at naghahalikan."

Nasamid ako pagkarinig sa naghahalikan kaya naibuga ko ang iniinom ko.

"Yan. Kuha kasi ng kuha ng juice ng iba," ani Talia nang hindi pa rin naaalis ang tingin sa phone niya. Nagkamali ako. She wasn't oblivious. Kahit busy siya sa pakikipagchat or text sa kung sino man, nakikinig pala siya sa amin.

"Anong naghahalikan?" tanong ko at salitang tiningnan sila Yna at Iasha.

Agad na tinapat sa akin ni Yna ang phone niya. Mukhang kanina pa nila pinagdidiskusyunan ang video ah.

"Aminado ako totoo 'yang nagyakapan kami. Pero yung naghalikan? Duh. Ang galing umanggulo at mag-edit ng kumuha ng video na yan ah," komento ko matapos panoorin ang dalawang minutong video.

Yung nasa video ay yung gabing nagkita kami ni Zico sa park. At yung yakapan na yun, it's just a friendly hug. Or pwede ring clarifying hug. Ni-clarify namin ang relasyon namin. At kung ano man ang namamagiitan sa amin, yung MU thingy na yun, tinapos na namin yun.

"Kagabi in-upload 'tong video at mabilis na nag-leak. Tinatawagan at tini-text ka naming tatlo pati na rin ni Madam G pero di ka ma-contact. Pati nga si PD gusto kang makausap eh," sabi ni Iasha.

"Nanonood kasi ako kagabi. Sarreeeh." Nag-peace sign ako. Kilig na kilig kasi ako kagabi sa panonood ng episode namin ni Rem kaya nakalimutan ko ng may phone ako.

"Di ka ba affected sa scandal niyo ni Zico?" nakangiwing sabi ni Yna. "Samantalang dati down na down ka kapag may hater ka... o nadadagdagan ang bashers and haters mo kaya hangga't maaari hindi ka gumagawa ng anumang ika-o-offend ng iba. Masyado kang maingat sa kilos mo dahil kahinaan mo ang mga taong naiinis sa'yo. What happened to you now?"

Smiling, I proudly said, "I changed. I no longer afraid of hates. Kampante ako sa sarili ko, eh. Kaya wala na akong paki kung maraming mainis sa akin dahil sa scandal na yan. Dahil alam ko namang hindi totoo 'yan."

The flirtiest Kangji. Yan ang title ng article.

"Wow!" Pumapalakpak na sabi ni Talia. Bitaw na niya ang phone niya at nakapatong na ito sa mesa. "Yan ba ang nagawa ng 1hundred Days sa'yo? Kung oo, kukulitin ko si Direk BS na gawin akong participant. Pero kanino kaya nanggaling yung video?"

Nagtanguan kami sa tanong ni Talia.

"Nung nagkita ba kayo ni Zico may iba ba siyang kasama?" tanong ni Iasha.

Umiling ako.

"Ano ba dahilan ba't kayo nagkita? Tsaka, anong real score niyo? Ang maganda niyan, umamin na kayo para luminis ang pangalan mo," suhestyon ni Yna.

"Wala ng aaminin. Magkaibigan nalang talaga kami."

"What?" Iasha shrieked

Kinwento ko sa kanila ang buong pangyayari.

"Di kaya kay Zico galing yung video? Anong malay natin sinabi niyang OK lang pero deep inside nagalit siya. He felt rejected kaya gusto niyang sirain ka..."

Di ko na pinatapos magsalita si Iasha.

"Kilala ko si Zico. Di niya magagawa yun."

"May napansin ka bang ibang tao na nasa lugar na yun?" kwestyon ni Yna.

Mabilis na pumasok sa isip ko si Rem. At ang itsura niya nang makita niya kaming nag-uusap ni Zico. The pain that was written in his eyes...

"Meron," sagot ko.

"Then, sino?"

Bumuntong hininga ako. "Si Rem."

Inaasahan kong magugulat silang tatlo. Ngunit nung tinignan ko sila, nakatingin lang rin sila sa akin.

"What? Hindi ba kayo nagulat?" tanong ko sa kanila.

"Tapos na kanina pa. May kumakalat rin na rumor na si Rem ang nasa likod ng hugging and kissing scandal niyo ni Zico. Ayon sa nabasa naming article, posibleng siya dahil magkasama kayo sa iisang bahay. Alam niya ang bawat kilos mo. Alam niya kapag aalis ka at maaaring sinusundan ka niya ng hindi mo nalalaman. Mayroon pa nga kaming nabasa na siya rin ang nag-upload ng unang video ninyo ni Zico," paliwanag ni Yna.

"Pero imposible namang magawa ni Rem sa'yo yun. Pinoprotektahan ka nga niya, eh. Tapos siya pa gagawa ng ikasisira mo? That doesn't make sense." Sang ayon ako sa sinabi ni Iasha.

"Who knows?" Nagdivert ang atensyon naming tatlo kay Talia nang magsalita siya. "May mga taong magaling gumamit ng maskara at magpanggap. Yung tipong pinapakitaan ka ng kabutihan para makuha niya ang tiwala mo, ngunit hindi mo pala alam, may ginagawa siyang kababalaghan at palihim kang hinihila pababa. Sa mundo kasi natin, agawan ng liwanag. May mga makasarili na gusto niya nasa kanya lang ang liwanag."

"Ano ba yang pinagsasasabi mo, Talia? Wag ka ngang judgmental!" saway ni Yna sa kanya ngunit di siya tumigil.

"Come on, girls? Let's face the reality. Sa industriyang ginagalawan natin hindi natin alam kung totoo ang pinapakita ng mga nakapaligid sa atin." Humarap sa akin si Talia. "Sinasabi ni Rem na gusto ka niya, hindi ba? Ang sweet niya sa'yo. At kung anu-anong klase ng motibasyon ang pinapakita niya pero ano? May girlfriend pala siya."

"Anong gusto mong palabasin, Talia?" anang Iasha.

Tinitigan ako ni Talia ng seryoso. Ilang taon na kaming magkakilala at magkasama ngunit ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

Nagsimula ng magwala ang puso ko. Pigil ang hininga ko. Kinakabahan ako na baka parehas kami ng nasa isip ni Talia.

"Ginagamit ka lang ni Rem para lalo siyang sumikat."

Boom.

Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon