(AN:First time ko palang gagawa ng story kaya sana magustuhan niyo . Himdi poh ito based on my experienced.Sadyang wala lang poh akong magawa kaya gumawa na lang poh ako ng story.)
Ako nga pala si Paris Clarette rivera.16 years old.3rd year high school nag aaral sa Our Lady of Fatima Academy.NBSB as in no boyfriend since birth .How I wish magkaboyfriend ako.Isang kahilingang malabong mangyari dahil kung idedescribe ko ang sarili ko talagang walang magkakagusto sakin.Matalino ( sabihin na nating nerd ako ),medyo maitim,at maraming alaga sa mukha "pimples".Mayroon nga pala akong crush sa school namin.Matalino,sikat sa campus at heartrob din siya sa school namin.Varsity Player din siya ng Basketball sa school namin.Mayaman din siya.Siya lang naman si Ranier James Sy,pangalan pa lang mukhang sikat na di ba?How I wish siya ang maging first boyfriend ko.Ito talaga napaka imposibleng mangyari.Ano ba yan siya na naman naiisip ko.
"HOY,Clarette!!nag da-daydream ka na naman dyan.Siya na naman iniisip mo,noh?"said Kean.
"Ay,kalabaw!!"
"Ang Gwapo ko namang kalabaw,Clarette?"
Siya nga pala si Kean Jake Dy.Ang boy bestfriend ko.Npakabait at mapagmahal niyang bestfriend.Pogi't mayaman din yan.
"Eh bat ka naman kasi nanggugulat,Kean?"sabi ko.
"Hay,naku Clarette,kanina pa kita kinakausap.Nagda daydream ka na naman kasi."
"Eh wag kang magulo dyan Kean ,nakita mong kinikilig ako dito eh."
"Pag siya talaga naiisip mo wala na kong nagagawa.Magreview ka nga muna dyan.May quiz tayo mamaya.Baka si "Ranier James Sy" ang maisulat mong sagot."
"Grabe ha.Hindi naman."
"Oh siya sige,maiwan muna kita dyan.Punta lang akong Library."
"Sige."
Nandito kami sa canteen.Ako na nga lang pala.Nagrereview na ako ngayon habang umiinom ng softdrinks na binili ko kanina.Sa pagrereview ko may umupo sa tapat ko,akala ko si Kean.Hindi pala.
"Bilis mo naman ata Kean?"
Inangat ko yung ulo ko at nagulat ako kung sino ang nasa harap ko ngayon O.O
"Ah..eh.. I-ikaw pala R-ranier"
Shocks...Bat nauutal ako?
"Hmm...Pwede maki-upo?"
"A-ahh sure!"
Oh my God!!! Kinikilig ako.Siya ba talaga 'tong nasa harap ko?
"Hmm.."si Ranier.
"Hmm.."Tsk.Ginaya ko lang.
"Ano nga pala pangalan mo?"
Seriously,tinatanong niya ako kung ano pangalan ko?
"Ako?"
"Oo,ikaw!..Sino pa bang kausap ko?"
Sabi ko nga,ako lang kausap nito.Barado tuloy ako.
"Ahmm..Paris Clarette Rivera nga pala.Clarette na lang for short."
"Ranier James Sy,nice to meet you :) " sabay abot ng kamay niya.
Tinignan ko lang siya ng sobrang seryoso.At inabot ang kamay niya.
"Nice to meet you,too.Ranier."
"Bakit mo nga pala ako kilala kaninang pag-upo ko dito?"
"Ah..eh di ba sikat ka sa campus at varsity player ka ng basketball ng school natin."
"Ah..Ganun na ba ako kasikat dito?"