Kath’s P.O.V
Gumising ako ng maaga dahil pupunta ako sa paaralan ko ngayon. Nakakatamad, kaso dapat ko tong gawin. hindi naman sa “dapat” pero parang feel ko na kapag nakatira lang ako dito sa bahay namin palagi, tataba talaga ako niyan.
Naligo na ako, nagbihis, kumain at pumunta na agad ako sa school. Hindi naman ganon kamalayo yung school namin sa bahay. Ay, shangapala, may driver ako. -__- over protective kasi si mommy eh. Pero may sariling kotse naman ako, kahapon lang dumating galing states.
Pagdating namin sa school, unang-una, nakita ko yung “dancing” fountain sa gitna. Malaki yung parking lot sa tabi ng paaralan. May parking lot rin sa likod. Yung buildings ay Malaki at, well, normal. Yung administration building ay nasa tabi ng school building naming sa right side.
Bumaba ako sa kotse ko at pumunta na ako sa admin building. Pumunta ako sa book store at kumuha ako ng list of books ko. Nang na bili ko na lahat, pinadala ko na kang Roger (driver/body guard ko) yung mga aklat ko sa kotse at kumuha ako ng locker.
Gusto ko munang puntahan yung locker ko, para bukas hindi na ako malilito. Pumasok ako sa building namin at, oo, Malaki ito. Yung mga lockers ay nasagilid ng hallways. Yung locker number ko ay 164. Hinanap ko yung locker ko.
Daniel’s P.O.V
Nakakapagod ang paglakad galing 1st floor, hanggang 3rd floor. Seriously. Nevermind, basta nandito na ako sa floor ko. 165 yung locker number ko.
Pag dating ko sa locker ko, binuhos ko lahat ng bagay sa locker ko sa garbage bag na dala ko. May nakita akong babae sa malayo. Okay lang naman yung likod niya, makikita mo yung curves niya at sexiness. Yung buhok niya ay mahaba at curvy. Hindi siya mataba, hindi rin siya parang anorexic, pero sakto lang. yung height niya, estimated, 5’4. Opo, ganito ako kapag may nakita akong babae; ina-analyze ko siya. Pero, nakatalikod siya eh. hindi ko nakita yung mukha niya.
“psssssst!” –Ako
Lumingon yung babae at
Si Bea pala yun -__- oo. Si Bea Binene. Eh, crush na crush ako niyan. Simula noong bata pa kami, kinukulit na ako niyan. Kadiri.
Umiwas ako ng tingin at hindi na niya ako pinansin. Sus, antaray niya. Para namang maganda siya. Pffft. Makakauwi na nga -___-
Kathryn’s P.O.V
Yung locker ko ay nasa 2nd floor, malapit sa lab namin. nagpapasalamat ako dahil hindi malayo yung locker ko. Nakakatamad kasi eh. bumaba na ako at umuwi na rin. Pagod na kaya ako, thank you very much.
--
Hello! =) the only story in the world with the slowest updates ever! Keep posted ;)
BINABASA MO ANG
IF I HAD YOU </3 (kathniel)
FanfictionLOVE. ano yan? bigyan mo nga yan ng meaning sa buhay ko, Kath. -Daniel John