"Magandang umaga sa'yo, oh heto." Sabay abot ng isang puting papel sa akin. Nagulat naman ako kasi, parang araw-araw na lang akong nakakakuha ng mga ganitong sulat.
"Salamat Mich. Na naman? Sino ba kaya kasi ito? -____________- *sigh*
Sabay kuha sa papel at binasa ko.
"Morning! Hmm, pwede ka bang pumunta sa locker mo ng 5PM? Magpapakita na ako sa'yo ^_^"
- Admirer mo Leigh <33
"Bakla siguro 'to. May pa heart-heart pang nalalaman."
Kaya ayun, umupo na ako at inantay na matapos ang mga klase. Tiningnan ko ulit yung papel.
"Magpapakita na ako sa'yo!" Kinilabutan naman ako doon, ano siya multo? -___________-
Nagbell na't, lunch time na nga pala. Sumabay na ako kay Mich sa cafeteria. Sa hallway pa ay may dugmugan na ng mga estudyante. Guess what?
Puro mga babae. Hay nako! If I know!
Tiningnan ko si Mich.
"Mich, wala na tayong madadaanan. Mapapalaban tayo dito ah?!" Sabay tawa ko pa.
"Eh, Leigh? Mahilig tayo sa siksikan eh! Haha! Tara! Lusongggg! Kitakits sa cafeteria!" Sabay wink.
Kaya ayun. Sumiksik na ako. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Pati si Mich, nawala na. Punye*a! Napakasikip. Naku! Alam ko talaga kung bakit ito ganito!
Just as I thought, PATAY! Natapilok ako! Napa-isip ako na, sana may madaganan akong babae.
*Ang bad ko naman*
Pgadilat ko, may mga bisig na nakapulupot sa akin. Nagulat ako't sa lahat ng nakasalo sa akin ang dinumog pa ng mga girls. Naku, nariyan na naman ang mga pamatay tingin nila.
Si CRUSH pala eto ehhhh. HAHAHA.
"Pwede mo na akong bitawan, Tristan. Hehe." Sabay fake smile. Naku patay, mahahalata ako nito.
"Bitawan? Mahuhulog ka kapag bibitawan kita." Sabay ngiti.
"Ah? Hehe, okay na ako. Makakatayo na ako." Sabay ayos sa pagkakatayo ko.
"Mag-ingat ka Leigh. Halika." Sabay hablot sa kamay ko. At may balak pa siyang kaladkarin ako. Teka?
"Papunta ka ng cafeteria? Sama na ako. Nakakapagod yung mga babaeng yun." Sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
Ako naman, parang naging katamis. Feel ko pulang-pula na ako. -____________-
Pagkakapasok namin sa caf, nandoon na si Mich. Taray ng tingin. Ah oo nga pala. Nasa tabi ko siya. *kinikilig akooooo*
"Ah? Tristan, maiwan na muna kita? Pupuntahan ko muna si Mich." Sabay tingin sa kanya.
"Ah, sige?" Sabay iwas ng tingin.
FASSSST FORWARRRDDDD.
Umuwi na pala si Mich. Dadaan muna ako sa locker. *TING*
Locker? NAKU. SI ADMIRER.
Dali-dali akong pumunta sa locker ko. Wala ng tao sa hallway. Ngek? Baka umuwi na siya. Lampas 5PM na eh. Sayang naman. Pagkabukas ko sa locker ko, may nahulog na sulat.
Pinulot ko ito, SULAT NA NAMAN? Anebeyen.
"Hi, Leigh. Pagnabasa mo na ito. Nasa likod mo na ako."
- Admirer
Napatingin naman ako sa likod ko, pero wala naman eh. Teka? Stupida -_________-
Kinuha ko ang isang libro ko. May nahulog na namang sulat.
"Joke lang. Hindi ako multo. Ang gwapo ko pa naman para maging multo. Kunin mo ang notebook mo sa English."
- Admirer
At may iniutos pa? Admirer ko ba talaga ito? -__________-
Tanga. Kinuha ko rin ang englidh notebook ko.
"Sinunod mo? Haha, ang cute mo talaga. Alam mo ba yan? Kunin mo ang black notebook mo. Hindi ko alam kung anong subject yan kasi."
- Admirer
GANUN. HINALUGHOG NIYA ANG LOCKER KO. TANGA, TANGA, TANGA KA LEIGH -______-
Kinuha ko ang black notebook ko, naalala ko. Extra notebook ko lang ito.
Pagkakuha ko. Wala namang sulat o kahit anong papel ang nahulog. Ginugulo niya utak ko ha? Nakakapikon -_- Padabog kong isinara ang locker ko.
"Makikilala lang kita "Admirer". Susunugin kita!!!" Argghhhh!
"Aray naman? Susunugin mo ako?"
Huh? Pagkatalikod ko ay, nariyan siya, Nakatayo. Nakatitig sa akin. Seryosong-seryoso. Di naman ganito makatitig si Tristan sa akin ah, kahit sa ibang tao. Kilala siyang, mapagbiro. Ngayon ko lang siyang nakitang seryoso.
"Huii, *sabay snap* ito yung letter na dapat nasa black ntbk mo. Naabutan mo kasi ako. Mabuti't nakapagtago ako. Inantay ko talagang matapos mo ang mga sulat."
"Ikaw? Tristan? Ikaw? Hindi, haha panaginip ito. Leigh talaga. Joke lang ito. Haha, panaginip. Isang bi - - -
Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin. Tristan naman eh! May pa halik-halik ka pang nalalaman?
"Ngayon, sabihin mo sa aking panaginip pa ba yun?" Sabay ngiti na abot sa tenga.
Malapit pa rin ang mga mukha namin. Tulala pa rin ako. He kissed me.
"Leigh, pakinggan mo ako."
"Leigh. Magaling lang ako sa mga sulat na inilalagay ko sa table mo. Kasi, pampagana yun sa umaga mo. Pero itong sulat na ito, hindi na ito yung pareha sa natatanggap mo araw-araw.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ko inumpisahan na maglagay ng mga sulat sa table mo. Basta't ang alam ko ay, gusto kita. Nakilala kita dahil sa lahat ng babaeng nagkukumpulan sa akin, ikaw ay hindi nakisama sa kanila. Inisip ko, hindi mo ako type. Kasi baka napag-isipan mong marami akong babae. Tinitigan kita, nakuha mo ang atensiyon ko. Matapang ka rin kaya nagustuhan kita. Corny ba? Pasensya na? Mahal kasi kita. Hmm, last year pa kita gusto. Kaya ngayon, mahal na kita. Reasonable ba yun? Para na akong bakla. Leigh, I have loved you. But, was too scared to show it. Kasi madaming umaaligid. Sila ang barrier sa ating dalawa. Pero ngayon, tanong ko lang. May chance ba ako?"
- Admirer
Tiningnan niya ako. Hindi ako makapaniwala. Somebody pinch me. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Tristan, "Hindi kita type"? Mali ka. Pwede rin akong magpasalamat sa mga babaeng umaaligid sa'yo dahil, hindi mo nakikita na kinikilig ako kapag nandyan ka. Pinapakita kong matapang ako, oo. Pero kapag nandyan ka o kapag ikaw ang pinag-usapan, hinang-hina ako. Tristan, mahal rin kita. Hindi iyon nagbago." Sabay ngiti, hinalikan ko siya sa pisngi tapos niyakap.
"Teka, may naka dikit sa locker mo."
Tumalikod naman ako't binasa ang nakasulat, binasa rin niya ito. Out loud.
"Leigh, will you be my girlfriend?"
Hinarap ko siya. Sabay kuha ng ntbk at ballpen.
Isinulat ko ang malaking O O sa ntbk. Binasa ko ito sa kanya.
Napakasaya namin noong hapon na iyon :))
------------------------------------
first xD
- zee