(18) First Kiss

32 1 0
                                    

Matthew's POV

"Bakit nga ba?" Nagtataka nyang tanong. Huminga muna ako ng malalim tsaka ako nagsalita.

"Dito ko last time naramdaman ang feeling ng pagiging Masaya?" Sabi ko at umupo sa tabi nya.

"Last? Hala bakit?" Sunod sunod na tanong nya.

"Kasi----"

"Kasi napilayan ka kaya hindi kana nakapasyal dito ulit!" Bigla nyang sagot. Agad naman akong nagtaka, pinagsasabi nito?

"Hindi Scar----"

"Hindi? So hindi ka napilayan. Kasi nawalan ka ng pamasahe." Ano daw?

"Wait----"

"Alam ko na! Kasi------"

"P*cha naman! Tutuloy ko pa ba? Ikaw lang sumasagot sa tanong mo eh." Usisa ko sabay sabunot ng buhok ko.

"Ahh-- sabi ko nga tuloy mo na!" Napakamot nalang sya sa ulo.

"Kasi dito yung last time and last place na nakapagbonding ako kay Mama at papa." Malungkot kong tugon.

"Hindi na kayo nakapasyal ulit, Kahit sa ibang lugar man lang?" Tanong nya.

"Hindi na!" Diretso kong sagot sabay akyat ng puno.

"Hoy! Ako rin aakyat." Agad nyang sabi.

"Edi Umakyat ka!" Agad ko namang sagot.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Tanong nya.

"Advance birthday present" -ako

"Next week pa naman eh. Malayo pa!" Sabay taas ng isa nyang kilay.

"Advance nga Diba!" Pagkasabi ko agad naman syang naglikot likot sa tabi ko.

"Ang Ganda ng view!" Napahanga nalang sya sa nakita nya. Mula kasi dito, kitang kita mo ang city.

"Wag ka ngang malikot" pagsusungit ko.

"Eh sa! Gusto kong tumingin e." Tumalon talon pa sya. Isang talon nalang.

1

2

3


"Yay!" Napasigaw nalang sya ng dahil sa nalaglag ako mula sa puno.

"Ahh.. Kamay ko...." At ako, napa ungol nalang ng dahil sa sakit. Agad agad naman bumaba ng puno para puntahan ako.

"Sorry talaga! Okay ka lang ba?" Nagpapanic nyang tanong. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako ng dahil sa concern nya. Pero syempre di ko pinahalata.

"Ignorante ka ba? Ano yung first time mo don? Yung makakita ng City o yung Makatalon? " Agad naman nya akong hinampas sa balikat.

"Umupo ka nalang dyan!" Utos nya.

"Hindi mo ko tutulungan?" Napabuntong hininga nalang sya at binuhat ang kanang balikat ko para alalayang makaupo.

"Dyan ka lang babalik ako." Sabi nya sabay lakad palayo.

"Saan ka pupunta?" Sigaw ko sa kanya.

"Basta! Babalik nga diba?" Sagot nya.

*

Scarlet's POV

"Aish*" Pagrereklamo nya.

"Wag ka ngang puro reklamo!" Usisa ko.

"Kasalanan ko ba to?" Pagpaparinig nya kaya napa irap nalang ako.

"Lalagay ko na to. Wag kang malikot" Sabay kuha ko ng Alcohol pero sa tuwing lalagyan ko na! Iniiwas naman nya.

"Teka! Sabihin mo nga yung totoo. Bakla ka ba?" Sa tanong ko bigla namang nanlaki ang mata nya.

"Ako? Tinawag mong bakla?" Sabay turo sa sarili nya.

"Bakit naman hindi? Eh sa, kanina kapa iwas ng iwas basta lalagyan ko ng alcohol yang sugat mo" sabi ko sabay tawa ng malakas. Kami lang naman tao dito eh.

"Parang yon lang. Akin na nga yan. Ako na maglalagay." Sabi nya sabay bawi ng alcohol sakin.

"Bakla ka nga talaga!" Pangangasar ko sa kanya.

"Tumigil ka nga!" Pagpapatahimik nya pero hindi ko yon sinunod.

"Bakla... Bakla si Matthew Mendoza" pangangasar ko pa sa kanya.

5

4

3

2

1

"WAHHHH IBALIK MO SAKIN YON!!!" Sabay ng panghahampas ko sa balikat nya.

"Tumigil ka nga! Ingay mo." Magalit galit nyang sabi.

"Ahh ganon? Ikaw pa galit? MATAPOS MONG KUHANIN ANG FIRST KISS KO!!! IKAW PA GALIT? IBALIK MO YUN. HALIMAAAWWW KA" Halos ma paos na ako kasisigaw sa kanya.


"Hindi na naman mababalik yon. Nag-iisip ka ba?" Mahina nyang sabi pabulong pero pasigaw ng kaonti.

"Ahhhh!" Tss napaiyak nalang ako.

"Bakit ka umiiyak hoy!" Sabi ni Matthew habang inaalog ang balikat ko.

"First kiss ko. Wala na! At ang masaklap, sayo pa napunta" sabi ko habang naiyak parin.

"Makahusga lang! Tumigil ka na nga kakaiyak, Hahalikan ulit kita eh" pangbabanta nya pero tinignan ko lang sya ng masama. Yung Masamang masama.

"Subukan mong ulitin! Tignan natin kong sikatan ka pa ng araw." Pangbabanta ko sa kanya. Nag peace sign naman sya agad.

"Pero aminin. Gusto mo noh?" Tanong nya habang nagtaas baba pa ng kilay niya.

"Kapal mo Kahit kailan!" Sabi ko sabay hampas sa balikat nya.

"Hilig mo manghampas. Napilayan at nasugatan na nga ng dahil SAYO! Ganyan pa igaganti mo!" Pagrereklamo nya.

"Ninakawan mo ako ng halik!" Sabay pagpapalaki ko sa mga mata ko.

"Inasar mo ako ng bakla!" -ako

"Takot ka sa alcohol.! -Matthew

" Dahil sayo kaya Kailangan lagyan to ng alcohol." -Matthew

"Fine! Ako na ang may kasalanan sa lahat. Kahit nanakawan ako ng first kiss kasalanan ko na rin!" Pagrereklamo ko.

"Aamin rin pala eh! Tara, uwi na tayo!" Sabi nya sabay akbay sakin.



"Tsansing ka eh! Tanggalin mo nga yang kamay mo" masungit kong sabi habang tinatanggal ang kamay nya sa balikat ko.


"Tsansing? Baka ikaw!" Sabi nya sabay turo sa akin.



"Sino bang humalik sa akin? At ako pa ang Tsansing." Pangbabara ko sa kanya.











"Sinadya mong mag-ingay para mahalikan kita eh."

Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now