Chapter 47: Decisions
Jake's POV
I am ready to set her free..to let her go.
Siguro, hindi lahat pinaglalaban. Hindi lahat pinagpipilitan. May mga bagay na mas worth it ipaglaban at may mga bagay na mas worth it kung papakawalan nalang.
I know na kung kelan binigyan nya ko ng second chance, dun ko pa sya susukuan. Sadyang narealize ko lang na hindi talaga ako ang makapagpapasaya sakanya.
Mas okay siguro na magbestfriend nalang kaming dalawa. Walang ilangan, walang awkwardness.. Basta masaya lang.
Alam kong hindi pagpapa-asa ang ginagawa ngayon ni Aki. Ginagawa nya nga ang best nya para mabigyan ako ng pagkakataon. It's just that, we're not meant for each other.
Alam ko naman na meron talagang babae para sakin..
"Ouch!" Nabalik ako sa huwisyo nang may sumigaw. Napatingin ako sa nabunggo ko. "Omg Jake?!"
"Y-yumi?" Tinulungan ko syang tumayo dahil nabunggo ko sya.
"Tulala ka! Omg ang cute mo kapag tulala!" Nakabungisngis na sabi nya habang tinuturo ang mukha ko at nagtatatalon talon pa.
Anyare sa babaeng to?
Tinaasan ko sya ng kilay at medyo tumikhim. Hindi talaga ako komportable sa babaeng to, naalala ko nung nasa birthday party nya kami ni Aki, naiinis ako sakanya nun dahil pinilit nya talaga si Aki na ako nalang ang escort nya.
"Alam kong cute ako." Nakakunot noong sabi ko sakanya. "Sorry nabunggo kita." Sabi ko at tuloy tuloy nang umalis.
Kaso narinig ko pa syang kumanta.
"Di mo alam dahil sayo ako'y di makakain~~ di rin makatulog buhat ng iyong lokohin~ kung ako'y muling iibig sanay di maging katulad mo, tulad mo na may pusong bato~ ohhhhh!"
Napangiwi nalang ako at iiling iling na lumakad palayo. Pinsan ba talaga ni Aki yun? Mukhang may sapak sa ulo.
Malayo layo nako pero dinig ko parin ang kanta nya.
"Basta may alak, may balak~ may alak, may balak~"
Nilingon ko sya at nakatalikod naman na sya sakin at naglalakad palayo. Pero habang kumakanta sya winawagayway nya pa ang kamay nya habang kumakanta ng basta may alak may balak.
Mabait akong tao, gentleman din ako. Pero di ko alam bakit sa lahat ng babae sakanya ko napapakita ang pagiging snober ko.
Balik sa sinasabi ko kanina, susulitin ko nalang yung isang linggo na kasama si Aki. Pagkatapos nun ay babalik na muna ako sa probinsya para makapagmove-on.
Mahirap? Oo. Masakit? Sobra. Pero wala akong magagawa.
Ang kailangan ko nalang gawin, ay i challenge si Cole. More on, pagselosin sya.
Para naman magawa na nyang umamin kay Aki.
Pero hindi dahil sumusuko nako, ganon ko lang kadali ibibigay si Aki sakanya. Gusto kong may patunayan muna sya, pero kapag hindi nya nagawa, I'm sorry pero hindi nako magiging mabait ulit sakanya, kukunin ko na talaga ang babaeng hindi nya binigyang halaga.
~*~
Steven Cole's POV
"Cole..buksan mo yung pinto."
Hindi ko pinansin si kuya at nagtuloy nalang ako sa pagsusulat.
"Ilang araw ka ng hindi kumakain..let's talk please."
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Novela JuvenilHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...