GUMANA SI UTAK <3 [oneshot]

1.2K 53 9
                                    

Lahat ng babae naghahanap ng gago na sa tingin nila eh kaya nilang baguhin.

Lahat ng lalake naghahanap ng babae na tatanggapin sila sa kung ano sila.

Lahat ng babae ginagawang bestfriend or even just close friend ang lalake na super nice at may gusto sa kanya.

Lahat ng lalake natatakot mapalapit sa taong nagmamahal sa kanya ng sobra.

Ayun ang naging problema naming dalawa..

Mahal ko siya.

Mahal niya si GAGO. Kaya si gago ayaw sa kanya.

Gago din naman ako, kaso in love ako sa kanya.

At dahil in love ako sa kanya mabait ako sa kanya.

At dahil mabait ako sa kanya friendzoned ako.

Parang tanga lang no?

Tae pero hindi ko maintindihan, bakit ba ganito? Pwede naman akong magmahal ng iba pero sakanya ako patay na patay.

Sadya bang ang tao eh likas na attracted sa mga bagay na hindi niya naabot.

Ganun nga siguro yun.

Minsan nagkasama kaming dalawa.

Umiiyak siya.

Tinanong ko kung bakit.

Si Gago daw kasi may girlfriend na.

“Bakit ba hindi nalang ako ang pinili niya?” tanong niya.

“Ako ba bakit ba hindi nalang ako ang pinili mo?” tanong ko sa kanya.

“Masyado kong tinetreasure ang friendship natin..” sabi niya.

“Bakit mo tinetreasure?” tanong ko uli.

“Kasi napaka bait mo sa akin..”

“So pag hindi na ako mabait magiging tayo na?” sabi ko sa kanya.

“Hindi..”

“Well then you got your answer.” Sabi ko.

“Anong answer?”

“Define him.. He’s an asshole.. and you want to change an asshole para maging mabuting tao siya.. Define me.. Ako mabuting tao at mahal kita.. And you didn’t want to be my girlfriend dahil mabuting tao  ako.. Hindi boyfriend ang gusto mo kung hindi thropy.. Gusto mo eh makilala ka bilang ang babae na nagpabago sa isang gago..”

Napayuko nalang siya..

Doon ko na narealize na hindi siya karapat dapat mahalin.. Kaya ayun kinuha ko yung number nung babae na katabi ko sa bus. And ngayon mag-iisang taon na kami. :)

GUMANA SI UTAK &lt;3 [oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon