Last chapter 16 unexpected love
Nikki POV
Ilang buwan din akong busy ang schedule dahil sa nag take na ako ng Lisensure exam for nursing pero at last naka pasa ako. Kaya't heto ako ngayon nag liligpit ng mga gamit dahil pupunta ako ng canada kasama si christian, sabi daw ni tita ko doon ay nag hahire na sila ng mga registered nurse at baka maka pasa ako kaya grab the chance.
Last flight ang aking boarding schedule ko sa sasakyan kong eroplano. Sabi ko nga na kay christian na ako na ang magbabayad ng pamasahe ko pero hindi niya ako pinayagan. I'm so excited dahil sa wakas ay matutupad ng pa unti-unti yung pangarap ng pamilya ko sa akin. Doon na lang yata ako mag aaral ng masteral at doctoral sa canda para advance.
May kumatok sa pintuan ko at pinag buksan ko iyon. Si christian lang naman pala.
"Hey, ars you excited? What's with that face? Parang may problema ah." Sabay akbay sa akin.
"Wala naman. Mamimiss ko kasi ang pilipinas eh. Mag babakasyon tayo dito pag nag kataon ah?"
"Ofcourse. Basta't ikaw." Sabay yakap sa akin. Lately parang clingy sa akin si Christian. Ano naman ang pakulo neto sa akin?
"Oh sya. Hali kana baka ma late tayo sa flight." At humiwalay sa yakap niya. Bumaba kami ng hagdanan at nakita ko si papa na parang iiyak na pati ang mga pinsan ko.
"Wag mong kalimutan na tumawag sa amin dito anak ha. Baka makalimutan mo kami niyan." Si papa.
"Hinding-hindi ko kayo malilimutan pa. Basta't pray at gabay lang sa panginoon ang hiling ko sa inyo ha."
"Tita." Si Jeon anak ng kapatid ko. "Tita mamimiss ko kayo. (Huhuhu.) Sana mag ingat ka doon ah. Wag mo kaming kalimutan." Sabay yakap sa akin.
"Syempre makakalimutan ko ba ang lucky charm ko?"at napa iyak ako.
"Oh siya anak baka malate kayo sa flight niyo. Mag iingat ka dun ha. Tawagan mo kami pag naka dating kana ng canada. Padalhan mo kami agad ng snow." Hahaha.
"Papa talaga eh. Nagpapatawa pa."
Sumakay na kami ng sasakyan at nag simula ng paandarin ni christian ang makina. Nakita ko sa side mirror na hinahabol kami ni Jeon pero inawat siya ni papa at na pa iyak ako.
"Mahal ka talaga ni Jeon no. At mahal mo din siya."
"Mahal na mahal ko si Jeon na parang anak na ang turing ko sa kanya."
"Ako narito sa harap mo, hindi mo pa kayang mahalin ng todo." Sabi niya ng pabulong.
-------Airport-------
Inhale. Exhale. Whoooo. I'm so excited pero may kulang eh. May kulang talaga. Alam kong narito siya. Narito sa puso ko kahit kinalimutan niya na ako. Hindi pa ako nakaka move on! Hello 6 years na pero hindi parin.
Papalapit na kami sa departure area ng may tumawag sa aking dereksyon.
"Cupcake!" Hindi ko nilingon baka guni-guni ko lang.
"Mahal!"
"Nikki Resha Serventia!" Sigaw mula sa likod ko. Ng tumalikod ako nakita ko siya. Hindi totoo ito. Hinding-hindi.
"Cupcake iiwan mo na ba ako? Ako ito ang mahal mo!" At naka open arms siya.
"Jo--Jo---John??" At lumapit ako sa kanya. kung panaginip ito ayoko ng maggising pa. Ng malapit ako ay niyakap niya ako agad. Mahigpit na mahigpit.
"Ako nga ito. Pasensya na at ngayon lang ako naka recover. Sana mapatawad mo ako." At niyakap niya ulit ako. "I missed you so much cupcake." At napaiyak ako sa dibdib niya.
"Totoo ka nga. huhuhu. Ilang beses kong dinasal ito sa panginoon na isang araw ma yakap mo ako ng mahigpit at na tatandaan na."
"Hindi ka talaga maniniwala sa akin no? Hmm." He lift my chin and he lean me closer to his lips. "Ako ito. Walang iba kundi si John Sy ang lalaking minahal mo ng sobra at minamahal ka ng sobrang sobra." At hinalikan niya ako. He kissed me passionately full of needs and fulfillment. At hindi alintala ang daming tao na nag palakpakan sa amin ng matapos na kaming maghahalikan. I love this man. So much.
"John? ikaw ba yan?" Si christian. Na bitbit ang mga bagahe namin.
"Oo ako nga. At akala mo hindi ko alam ang pinaplano mo sa amin si Nikki? Well nasa malamig na rehas ngayon si celine at kung tatangkain mong paghiwalayin kami ni Nikki baka ikaw ang isusunod ko." At tumalikod si John kay christian at hinila ako. Naiwan namin si christian sa airport at naka tulala parin.
"Ako ang bahala sayo. Bukas na bukas ako ang makakasama mo papuntang canada. Sa ngayon don muna tayo sa ating condo. Gusto kitang masolo." And he kissed my hand habang nag dadrive.
Napangiti ako sa kanya at siya ay hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi niya.
"I love you my love." Ako.
Sakto red light . "I love you most my love." At hinalikan niya naman ako.
Hindi imposible na magkita kami in unexpected place and unexpected time. We found ourselves build our relationship in Unexpected love. Dito na lang ang story telling ko sa love story namin at magpapatuloy ito sa kahit sa kabilang buhay na kami.
'If you love someone fight for it weather you succeed or die."
BINABASA MO ANG
Unexpected love (COMPLETED)
General FictionFirst time to write this kind of story written under category of General Fiction. Please enjoy at sana magustuhan niyo si nikki the explorer :) Author's note: FOR OPEN MINDED ONLY. S E P T E M B E R 15 2016 - A P R I L 20 2017 (COMPLETED)