IKADALAWAMPU'T ANIM NA KAPITULO
"Sure ka ba dyan? Siya ang killer?" tanong ni Stan. "Seryosong akusasyon 'yan."
Tahimik lang na nakikinig ang iba nilang kasama. Lahat ng grupo ay magkakasama na ngayon para pag-usapan ang mga nangyayari.
Tumango-tango si Mark Jayson. "Sigurado ako. Siya lang naman ang may initials na ganyan! Tsaka hindi niyo ba napapansin na madalas ay umaalis siya? Tignan mo ngayon, nawawala siya tsaka sina Julius. Baka ngayon eh pinapahirapan niya na 'yong mga 'yon." sabi nito.
Umiling si Christian Oliver. "Marami silang nawawala. Tingin mo kaya niyang mag-isa ang mga 'yon? I doubt it."
"Hindi natin siya gano'n kakilala para sabihin kung kaya o hindi niya kayang gawin ang isang bagay na gustuhin niyang gawin." singit ni JM.
"Ano nang balak niyong gawin? Ang mag-usap lang dito?" Medyo may pait na tanong ni Majel Ivy habang dinadaluhan ang wala pa ring malay na si Camille.
"Ivy..." awat ni Xian.
"Isang clue. Kailangan pa natin ng isang clue para matukoy kung sino talaga ang killer." singit ni Chanel.
"Wait, bago 'yan, hindi ba dapat hanapin muna natin sina Diomel?" tanong ni Cricel.
"Oo nga. Mamaya, may nangyari na sa mga 'yon." Nag-aalalang wika ni Pauline.
Sandaling natahimik sila.
"Hindi naman niya siguro magagawa 'yon..." mahinang sambit ni Lyka.
"Lyka! Baliw ka na ba?! Halata namang siya 'yon tapos ipagtatanggol mo pa?!" hindi napigilang sigaw ni France.
"France! 'Wag mo ngang sigawan si Lyka!" sigaw din ni Quincy at humakbang para protektahan ang kaibigan.
"W-wala kang ebidensya na siya talaga 'yon.." Umiiyak na sabi ni Lyka.
"Hindi pa ba sapat na ebidensya ang nakasulat sa kamay ni Smile?! Pinatay ni Christian John si Ate! Pinatay niya siya!" Magkahalong galit at lungkot ang makikita sa mukha ni France habang gigil na gigil na ito at pinipilit lang na huminahon.
"Guys, tama na! Walang mararating ang pag-aaway!" awat ni Cricel.
"Lahat tayo nalulungkot, lahat tayo nagagalit sa pumatay kay Smile at sa gumagawa nito sa'tin." panimula ni Chanel. "Pero sana, 'wag tayong..." Tumingin siya kay Lyka at France, "magconclude at mag-away.."
"Tayo-tayo na nga lang, mag-aaway pa..." bulong ni Alliyah Gaille na narinig naman ng lahat sa sobrang katahimikan.
Nabasag ang katahimikan nang may magsalita. "A-anong... nangyari..."
"Camille!" sigaw ni Ivy at yinakap ang kagigising lang na si Camille. "Akala namin hindi ka na magigising!"
Napakurap lang si Camille at yumakap pabalik. "Sorry." sabi nito. Yumakap din ang iba kay Camille. Masaya sila dahil buhay pa ito. Kahit sandali lang, naging masaya sila.
"Um, guys, may nalaman pala ako." sabi ni Camille na nagpatigil sa kaunting kasiyahan nila.
Tumahimik ang iba para makinig. "Ano 'yon, Cams?" tanong ni Xian.
"Lahat tayo ay may kasalanan sa gumagawa nito sa'tin."
"Ha?!"
Nilabas niya ang isang notebook.
"Nandito lahat. Nabasa ko lahat habang nasa loob ako. Bukod sa sandamakmak na yelo, ito lang ang laman ng kwartong iyon." saad ni Camille.
"Teka!" sabay na sigaw ni Fran at James Paul.
"Oh, bakit?" tanong ni Camille.
"Iyan kasi 'yong notebook na nakita namin habang hinahanap si Smile..." sagot ni James Paul.
"'Yan ba 'yong dahilan kaya nagbreak kayo?" tanong ni Quincy.
"Break na sila?"
"Whaaaaat?"
Umirap si Fran. "Ang nakakapagtaka dito ay paano napunta ang notebook na 'yan sa kinaroroonan ni Camille kung nakita namin 'yan sa ibang kwarto."
Sumingit si Christian Oliver. "Another clue."
Napatingin silang lahat sa kanya. Tinanguan naman siya ni Mark Jayson.
"Isa sa mga kasama sa grupo nina Fran ang posibleng maging killer."
+++
Rushed update! Medyo sabaw din. HAHA! Anw, malapit na matapos ang M49 kaya God willing, tuloy-tuloy na ang update. Any ideas sa kung sino ang killer? ;)
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...