Blindfold(one-shot)

863 18 10
                                    

Blindfold

by:Blacktirxx

Sino toh?Ui! Magsalita ka naman? tama ba ang hula ko?

----------------

Cianelle's POV

"Ui! Laro tayo guys!" Sigaw ko sa mga kaklase ko. Nasa may field kasi kami ngayon at vacant time namin. Medyo boring kaya naisipan ko na maglaro although medyo childish yung maglaro ng ganitong edad. 17.

"Game! Anong laro?" Sigaw ni Patricia, bestfriend ko.

"Hide and clap"

"Game!!!" Sigaw pa ng ibang kaklase namin. Sa totoo lang pinagtitinginan na kami ng ibang year. Kasi naman halos lahat ng year dito din tumatambay. Anong magagawa namin eh bored na talaga kaming magkaklase kasi 3 oras na kaming vacant. Psh! tatamad ng mga guro eh.

Pumunta agad kami sa field. Bale mga 15 kaming magkakalaseng maglalaro. May mga lalaki ding nakikisali.Halos close kasi kami lahat.

"Game na ha?"Sabi ko. Ako ang taya. Daya eh! Ang malas ko naman. Ako ang nagyaya tapos ako ang taya.

"Teka lang naman, wala tayong blindfold mga pare" Sabi ni Hans. OO nga, wala din akong pangblindfold, di uso sa akin ang magpanyo. Hirap hirap maglaba.

"Oh!" Sabay hagis sa akin ni Ronald ng panyo. "Yan ang gamitin niyo, napulot ko lang yan, wag kang mag alala, di akin yan" Medyo naweirduhan naman ako dun. Di naman kami close in the first place, bakit naman niya ako pahihiramin ng panyo di ba?

"A-ah, s-salamat na lang" then tinali na nila yung panyo ni Ronald sa akin. Haissttt!!! Dapat pala di na ako nag aya kong ako din ang taya! ang daya talaga kahit saang banda ko tingnan.

"GAME NA HA!"Sigaw ko. Lintek na blindfold na ito. Nagstep forward ako. Shet! baka matapilok ako, laking kahihiyan, ang dami pa man ding tao dito.

"FIRST CLAP!!!" Then nag clap sila. Shet! ng hirap. Wala akong makapa. hanap ako ng hanap. Pero wala akong makapang tao. Halos magkandadapa dapa na ako.

Lakad pa rin ako ng lakad na tipong di ko na talaga alam kung may tao pa ba dito sa field. Letse! Sakit sa ulo eh.

Then..

ayun! may nakapa akong tao!

"Sino po ito? Kaklase ko pa ba kayo?" Tanong ko pero di siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pagkapa.

"Ui! Magsalita naman po kayo!" Di pa rin siya nagsasalita. Hinintay ko pa yung sagot niya pero ayaw niya talaga magsalita.

Ano bang mahirap sa oo o hindi?

"Sino po ba ito? Kasali po ba kayo?" Di pa rin siya nagsasalita. Talaga nga naman. Ayaw ko namang tanggalin ang blindfold ko dahil baka hindi naman siya kaklase eh di manlilibre pa ako?

"Wag na lang po! SALAMAT PO HA?" Dininan ko yung pagkakasabi ng Salamat. Lintek. Pipe ata eh.

"SECOND CLAP" Then nagclap sila. May tao naman. Nasaan ba kasi sila? Wala ulit akong makapa. Pakshet! Ang laki kasi ng field eh. Ikot ako ng ikot ng may makapa ulit ako.

"Gotcha! Sino toh?" Di siya umimik. Wag mong sabihin pinagkakaisahan ako dito? Pag ako talaga nairita plus ang hirap hirap pa. Nakakahilo.

"Kasali ka ba? ui! Tao ka pa ba?" Tinapik tapik ko siya sa may balikat. Ramdam kong balikat yun eh.

"Kaklase po ba kita? Magsalita naman po kayo" Ayaw pa rin.

"Ui!" Still, no answer. Shete naman oh! Gaano ba kahirap magsalita para sa kanila?

Blindfold(one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon